Forty nine.

24 0 0
                                    

Choices...

---

LISA'S POV

"Lisayah?! Yaaaah! Lisayaa!" Rinig ko ang malakas na bunganga ni IU mula sa labas ng kwarto. Napakusot pa ako ng mata at nagpalinga linga.

Wala na si Nancy sa tabi ko at nasa banyo. Nag inat inat pa ako at pupungay pungay na tumayo at pinagbuksan sya ng pinto. Bumungad sakin ang nakasmirk nyang muka at kasama nya pa si Suzy.

"Ano ba yon, ang aga aga" bulyaw ko at napatuon pa ng ulo sa gilid ng pinto. Walang sabi sabi ay dire diretso silang pumasok at naupo sa kama.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?!" Nakasimangot nyang sabi nang maupo, si Suzy naman ay walang emosyon na nakikinig lang sa kanya.

"Ano ba yon?! Atsaka kelan kapa nakauwi? Kala ko next month pa kayo?" Walang gana kong tanong at bumalik sa pagkakahiga.

"Na ikakasal kana?! Ikaw na unggoy ka! Kung di ko pa nalaman kay Suzy di mo talaga sasabihin sakin?! Ako yung kababata mo hoy!" Malakas nyang sermon sakin kaya't napatakip pako ng unan at hinintay syang matapos kakadaldal.

"B-babe?! May bisita ka?!" Sigaw ni Nancy mula sa banyo na nakapagpahinto sa kanya. Nanlalaki ang mata nyang tumingin sakin habang panay ang pagkalabit.

"Sila IU lang babe!" Sigaw ko pabalik at nakasimangot nya akong tinignan.

"Hoy Lisayah! Mag usap nga tayo" mahina pero may diin nyang bulong at pingot pingot ako sa tenga na hinila.

"Nancy, hiramin lang namin si Lisa haa!" Sigaw nya pa bago ako tuluyang hilahin palabas.

"A-aa-ahh! Masakit!" Inis kong sigaw nang magtungo kami malapit sa hagdan.

"Bat magpapakasal kana?!" Inis nyang tanong at iirap irap habang si Suzy ay tawang tawa sa ginagawa nya sakin.

"Anong big deal don?!" Tanong ko at napasandal pa pader.

Nakataas ang kilay nyang tumingin sakin.

"Kay Nancy?! Hindi lang ako makapaniwala. Sabihin mo nga sakin, may nagpilit ba sayo?! Sila Tita ba?! P-pero imposible" sunod sunod nyang tanong at panay ang pag iisip. Kaagad na nagbago ang mood ko nang maalala ko si Jen, at si Daddy, kaya't napabuntong hininga nalang ako.

"T-tell me?! Si Tito ba?!" Tanong nya pa at nanlalaki ang mata na nakipagtitigan sakin, pero hindi ako sumagot.

"Ghadd, Lisayah?" Nakataas ang kilay nyang tanong para kumpirmahin kung tama ba talaga ang hinala nya.

"Its for the sake of everyone" mahina kong sabi.

"Correction. For the sake of everyone except you, kase di ka naman masaya" entrada ni Suzy at napaismid pa ng seryoso akong tumingin sa kanya.

"I have decided IU, and besides naiannounce na ni Daddy sa lahat bago ko pa malaman"

"And yung MNN kailangan kong ihandle, so dapat lang na ikasal nako dahil ayon yung nasa last will ni Daddy" dagdag ko pa at napabuntong hininga.

"P-pero kahit na. Sorry to tell you this, wala naman na si Tito, you can decide who you want to be with" pagtutol nya at bakas pa ang pag aalala sa akin. Kilalang kilala na talaga ako ni IU, and I know that she's really worried about my decision.

"Wag nalang natin tong pag usapan, okay?" Walang gana kong sabi at akmang aalis na nang bigla nya akong hilahin papunta sa kung saan.

Hinila nya ako papasok sa storage room kung nasan ang mga nakastock na gamit nila Jane, Rosé, at Sooya. Nagtataka akong tumingin sa kanya nang pinaupo nya ako sa maliit na upuan doon at may kung anong mga hinalwat.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon