Forty eight.

26 0 0
                                    

Unwavered...

---

CHAENG'S POV

Nang bumangon ako sa higaan ay wala na sa tabi ko sila Jen at Chu, dali dali akong naligo at nagbihis ng hanging shirt saka pants saka tuluyang lumabas.

Nang lumabas ako ng cottage ay nakita ko sila sa kanya kanyang posisyon. Sila Dahyun at Sana ay mga feeling vlogger na may hawak pang camera na nakaharap sa kanilang dalawa.

Habang sila Seulgi ay tahimik na nakaupo sa buhanginan at nagawa pang maglandian kahit maraming tao. Si Jen naman ay nakikipagtawanan kila Kai at Tata habang nanginginain.

"Pahingi nga" singit ko pa sa usapan nila Jen at kumuha ng pagkain nila.

"Kakagising mo lang?" Tanong ni Kai sakin at inabutan pako ng hawak nyang chichirya. Tumango lang ako at nagpalinga linga nang mapansing wala si Chu.

"Si Chu? Nasan?" Tanong ko at napatingin sa kanila habang panay ang pagkain.

"Si Chu? Ewan ko"
"Oo nga, nasan si Unnie?"
Reaksyon din nila at nagpalinga linga.

"Nandyan lang yan, baka naglilibot" dagdag pa ni Tata kaya't tumayo ako para maglibot libot din at baka sakaling makita ko sya.

Napadpad pako sa ilang cottage ng mga foreigner na mukang nagbabakasyon din.

"See? They look great together"

"Yeah, the girl is so cute and her voice is great"

Rinig kong usapan ng ilang mga foreigner na nakaupo sa buhanginan habang nakatingin sa di kalayuan. May lalaking nag gigitara at babaeng nakaupo at kumakanta. Hindi ko maaninag ng maayos yung muka nila dahil sa dami ng nanonood kaya mas lumapit pako at napanganga nang makita si Chu na nakaupo sa gitna.

Kaya naman pala pamilyar yung boses. Naupo ako sa gilid kung saan hindi nya ako gaanong maaaninag, nakangiti habang pinapakinggan syang kumanta sa harap.

" You don't understand
I'm not ever like this
I can hold my breath
Say I'll be alright
But kinda hard to think
When I can't feel a thing
Tell me to my face
Already heard it last week
Driving me insane
It's hitting real badly
Tell me what's her name, yeah~"

Pagkanta nya at enjoy na enjoy, maging ang gitarista na katabi nya ay nag eenjoy din habang pinapakinggan ng lahat.

"Said you'd never, why'd you ever
Lie to me baby, lie, lie to me
Lie to me baby, lie, lie to me
Lie to me baby, lie, lie to me, yeah~"

Nang matapos ang kanta ay nagsipalakpakan ang lahat kaya't nakipalakpak na rin ako.

"T-thank you" mahina nyang sabi at nagvow pa sa harap habang hawak ang mic.

"Woohooo! Girlfriend ko yan!" Sigaw ko nang mapatayo at agad na pinagtinginan ng mga tao. Agad akong natigilan nang mapansing pinagtitinginan nako at maging si Chu ay gulat na napatingin sa direksyon ko.

"S-sorry hehe" nahihiya kong paghingi ng pasensya at kaagad na pumunta sa direksyon ni Chu na kausap pa ang lalaking gitarista.

"You're such a great singer" rinig kong papuri ng lalaki sa kanya at inalok pa sya ng shake hands.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon