Ten.

24 2 0
                                    

Different...

---

LISA'S POV

"What do you mean Chaeng? Sya ang magiging boss ko?!" Nakasimangot na bungad ni Chu nang pumasok sya sa office ko.

"Tss" napailing nalang ako dahil sa inaasta nya. What the hell happened to Chu's clone.

"Why? Is there any problem?" Takang tanong ni Chaeng.

"Well, yang alaga mo sinigawan nya lang naman kanina si Lisa" singit naman ni Suzy sa usapan at nakacross arms pa. Habang si IU nanatiling nakatulala at hindi makapaniwala sa nakikita nya.

"What?! Why?" Gulat na tanong ni Chaeng at napatingin saming dalawa ni Chu.

"IU and Suzy dumiretso na kayo sa photography room" walang emosyon kong sabi. Napatingin pa sakin si Suzy ng nakataas ang kilay at sumunod din kinalaunan.

"Take care baby" pahabol pa ni Suzy saka humalik nanaman sa pisngi ko. Aish.

"Ohh baby? Pfft, kaya naman pala todo tanggol sayo" nakangising sabi ni Chu habang nakatingin sakin na nakakaloko.

"So ano? Tatanggapin nyo ba o hindi?" Tanong ko at sumandal sa upuan.

"Chaeng, no" sabi ni Chu habang nakatingin kay Chaeng na kanina pa seryoso.

"Why not Chu? Napirmahan na natin yung kontrata and besides malaki inoffer nila" sagot naman sa kanya ni Chaeng.

"With that kind of boss? No way, mabuti pang maghanap nalang tayo ng panibagong brand" pagpupumilit ni Chu. Napabuntong hininga nalang ako habang nakikinig sa usapan nila.

Hindi gantong ugali ng Chu hinihiling ko, gusto ko yung dating Chu. Si Chaeng walang pinagbago, palangiti parin, kahit gusto ko silang yakapin sa sobrang pagkamiss, hindi pwede.

"Oh come on Chu? Pagtatalunan pa ba natin to? Remember hindi na tumanggap si Sir Jimin ng any other contract? Kase nga napirmahan na. Wala ka nang new project bukod dito" pagpupumilit din ni Chaeng. Kahit ngayon para parin silang aso't pusa pfft.

"But.. Aishh, fine" nakakunot nyang sabi nang mapilitang tanggapin ang offer.

"We accept your offer" sabi ni Chaeng at nakangiting tumingin sakin. Kinuha ko ang stamp mark ko at tinatakan ang kontrata. Saka kami nagshake hands. Nilahad ko pa ang kamay ko para makipagkamay din kay Chu pero tinarayan nya lang ako.

"You can start tomorrow, be here at 7am. I don't accept excuses of being late" seryoso kong sabi at kinuha ang camera na nasa gilid lang ng lamesa ko. Akmang lalabas na ako nang bigla pa syang magsalita.

"And what about my phone?" Napaharap ako sa kanya at nakataas ang kilay nyang ipinakita ang phone nya na sira ang tempered glass.

"Bakit? Ano bang nangyari sa phone mo?" Takang tanong sa kanya ni Chaeng at tumayo na din.

"Nabangga nya ako kanina kaya nabasag yung tempered ng phone ko, puro kase sila landian" nakasimangot nyang sabi.

"Claire?!" Sigaw ko at agad namang pumasok si Claire.

"Yes, ma'am?" Tanong ni Claire.

"Fix her phone" nakangisi kong sabi saka agad na lumabas ng kwarto. Nakita ko namang lalong nag init ang ulo ni Chu dahil sa ginawa ko. Mukang ibang side ng Chu ang makakasama ko ngayon.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon