Cheat...
---
JEN'S POV
"Bye Seul!" Natatawang paalam namin nila Unnie kay Seul at Irene. Hapon na kami nagising dahil napuyat kagabi, at isa pa kailangan na din namin umalis at iwan silang dalawa para sa honeymoon nila.
"Mag ingat kayo!" Sigaw pa nila at kumaway nang makasakay kami sa van. Nang bumyahe kami ay nakailang hinto rin kami para kumain. Masyado kaseng mahaba ang byahe kaya mabilis na lumilipas ang oras.
"Lisa! Kain muna daw!" Sigaw ni Kai nang ihinto ang kotse para kumain, pano kase nag aaya nanaman sila Unnie at Chaeng. Napatingin pa ako sa kotse nila Lisa na huminto din. Nang makababa kami ay pinagtinginan pa kami ng ilang tao na nandon.
"Ma'am, Sir here's our menu" pag alok ng babae. Umorder na din naman kami at naghintay ng ilang minuto.
"Mukang di tayo makakaabot, anong oras na oh" pagbasag ni Tata sa katahimikan ng mapatingin sa wrist watch nya. Alas siete na din ng gabi at matagal pa ang byahe since hapon na din kami umalis.
"What if magcheck in nalang muna tayo sa madadaanan natin?" Suhestyon naman nila Dahyun at Sana na agad sinang ayunan nila Unnie. Hindi nako nakatanggi since nakapagdesisyon na naman sila.
"Lisa? Payag kayo?" Tanong pa ni Kai at tumingin kay Lisa at Nancy. Napatingin din naman ako sa kanila.
"Sure payag kami" mabilis na sagot ni Nancy. Nagkatinginan pa kami ni Lisa at nginitian nya ako kasabay ng pagsiko sakin ni Unnie. Pshh, panira ng moment ang ganda pa naman ng smile ni Lisa.
Nang pagtapos naming kumain ay umalis din kami agad. Nagpunta kami sa pinakamalapit na hotel para magcheck in, sakto pang malapit lang kami sa mga shopping malls at walking distance lang ang pagitan.
Pagpasok sa unit ay agad akong naupo sa sofa at napatingin kila Unnie na nagmamadaling ibinaba ang mga bitbit nila at hinila pa si Chaeng.
"Unnie? San kayo pupunta?" Nakataas ang kilay kong tanong.
"Mag iikot lang kami saglit" excited ding sagot nila Sana.
"Iiwan nyo ko dito?!" Nakakunot pa ang noo kong sabi.
"Kayong tatlo, magpahinga na kayo. Saglit lang kami" paalam nila at tuluyan nang lumabas sa unit. Nagkatinginan pa kami ni Kai na ngayon ay nakaupo sa harap ko.
"Hoy, kung ano mang iniisip nyo. Wag na kayo magbalak dahil nandito ako" singit ni Tata na agad namang binatukan ni Kai.
"Kung ano man yang iniisip mo, for sure walang kwenta yan dahil wala ka namang isip" pagsusungit ko at agad na tumayo.
"Oh san ka pupunta?" Tanong pa ni Kai, hindi nako sumagot at lumabas ng unit namin.
Umakyat ako sa roof top ng hotel para magpahangin, gusto ko din kase makapag isip isip. Habang nakatayo at nakasilay sa mga ilaw na makikita mula sa taas ay naalala ko ang girlfriend kong si Kai.
Until now kase hindi nya pa ako tinatawagan or tinetext man lang. I was wondering if she's busy or what. Well, who knows? Baka mamaya may pinalit na sya sakin kaya ganon.
"Overthinking again?" Agad akong napabalikwas nang may magsalita sa likuran ko.
"The hell Lisa, ikaw lang pala" sabi ko nang mapatingin sa kanya.
"Bakit? Sino bang ineexpect mo?" Nakangisi nyang tanong, napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kanya at nag iwas din.
"Wala no, akala ko kung sino na. Baka mamaya magulat nalang kayo nasa baba na yung katawan ko" natatawa kong biro sa kanya.
BINABASA MO ANG
11:11
أدب الهواةThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...