Forty.

30 1 0
                                    

Scared...

---

CHAENG'S POV

Nang magising ako ay agad akong naghanda para umalis, ganon din si Chu na paggising ay dumiretso kaagad sa cr para maligo.

Nagsuot ako ng longsleeve at pants saka kumuha ng coat, tinatakpan ko din kase ang bandage ko.

"Chu! Tara na!" Sigaw ko.

"Oh san kayo pupunta?" Takang tanong nila Dahyun na hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam alam.

Hindi nako umimik at akmang lalabas na ng unit nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa non sila Kai at Jen.

"Oh Jen? Bat umuwi na kayo sinong bantay don?" Taka kong tanong nang mapahinto ako sa kinatatayuan.

"Wala na si Jungkook" walang emosyong sabi ni Kai at naupo sa sofa.

"A-ano?! Anong wala na?" Gulat kong tanong.

"Dumating yung parents nya kanina at kinuha na sya, sabi dun na daw magpapagaling si Jungkook sa States" sabi pa ni Jen at buntong hiningang napasandal. Fck, kala ko patay na.

"P-pero yung naka hit and run sa kanya?! Hindi pa nahuhuli, a-atsaka hindi ko pa alam kung sya si Mr. Stalker" sunod sunod kong sabi at naupo sa harap nila.

"Its already done Chaeng, nakausap na namin yung mga pulis and sabi nila nahuli na daw yung driver. And nangako naman yung parents ni Kookie na kapag nagising sya is magbibigay kaagad ng statement" paliwanag pa ni Jen.

"T-teka ano bang pinag uusapan nyo?!" Takang tanong nila Sana at napakunot ang noo.

"Hey Chaeng! Na-" hindi na natuloy ni Chu ang sasabihin nang makitang nakauwi na sila Jen.

"B-bat umuwi na k-kayo?" Takang tanong nya. Hindi ko naman na pinagsalita pa sila Jen.

"Sige na Jen magpahinga na kayo, ako na bahala magpaliwanag kay Chu" sabi ko at agad syang hinila papasok sa kwarto namin.

"T-teka? Ano ba talagang meron?!" Takang tanong pa nila Sana nang maiwan sa sala.

"So, bakit nga nandito na sila?" Tanong ni Chu.

"Okay na daw, nahuli na yung naka hit and run at si Kookie inuwi na ng parents nya sa States" paliwanag ko at hinubad ang kasusuot ko lang na coat at sinampay.

"H-huh? Ganon kabilis?!" Taka nya ding tanong at naupo sa kama. Naupo nalang din ako at seryosong tumingin sa kanya.

"Pero hindi pa rin ako naniniwala na si Kookie yon"

"Phone mo nga pala, nakita ko dun sa hinubad mong coat" sabi nya sabay abot sakin ng isang phone na may crack pa ang screen.

Nagtataka akong kinuha yon at sinipat.

"H-hindi to sakin" sabi ko at napatingin sa kanya.

"Edi kanino yan? Nandun yan sa coat mo"

"Kay Jungkook!" Mabilis kong sagot, naalala kong habang nasa ambulansya kami ay may kung anong nilagay si Jungkook sa coat ko, akala ko kung ano lang yon. P-phone pala.

Sa sobrang curiosity ay binuksan namin ang phone, at kay Jungkook nga yon dahil sya ang nasa wallpaper. Sakto pang walang password kaya kung ano anong pinagpipindot namin.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon