Forty five.

24 1 0
                                    

Mind you...

---

LISA'S POV

Halos isang linggo ko na ring hindi kinakausap si Jen, ni text or tawag hindi ko ginawa. Pati yung puting kwarto hindi ko pinapansin. Hindi ko na kasi alam kung ano pang dapat kong gawin.

I'm getting married, with Nancy. But to be honest, I can't even imagine myself living with her in the same roof with our child. Alam ko sa sarili ko na si Jen ang gusto ko, pero pano ko tatakasan to?

Napabuntong hininga nalang ako habang binabasa ang huling messages namin ni Jen. Nagdadalawang isip ako kung dapat ko pa ba syang guluhin o tanggapin nalang ang lahat.

"Babe? Kung light pink nalang kaya?" Tanong nya habang nagsisipat ng mga tela na gagamitin para sa pagdedesign ng tables sa reception ng kasal.

"I-ikaw, kung ayan gusto mo" walang emosyon kong sagot at nakatulala lang sa phone.

"Hey, are you okay? Pansin ko parang madalas malalim iniisip mo" tanong nya pa at akmang lalapit sakin kaya't agad kong tinabi ang phone ko.

"O-oo naman, why?"

"Is there something wrong that bothers you?" Tanong nya pa at seryosong tumingin sakin. Umiling iling lang ako at niyakap sya.

"No, don't mind me. Tara na pumili na tayo ng tela" sagot ko at napailing iling lang din naman sya.

"If its about Tito, I understand why u're acting like that. Don't worry about him, he'll be fine" nakangiti nyang sabi at ngumiti lang din ako ng pilit.

"Miss! Yung gantong kulay nalang" tawag nya sa babae at saka sila nag usap.

Pagtapos naming pumili ay umalis na rin kami, dumaan pa kami sa favorite restaurant ni Daddy at ibinili sya ng pagkain. Nang makabalik kami sa hospital ay nadatnan namin si Mommy na nakangiti habang nakatitig kay Daddy na natutulog.

"Mom, here's ur food" bungad namin nang ilapag namin sa mini table ang pagkain nya.

"Thanks hija, okay na ba yung appointment nyo?" Tanong nya pa at sinundan kami ng tingin ng maupo kami sa sofa.

"Yes po Tita" nakangiting sagot ni Nancy sa kanya.

"Don't call me Tita, I'm ur Mom now" nakangiting sabi din ni Mommy sa kanya.

"Y-yes M-mom" utal nya pang sabi at napatingin sakin na malaki ang ngiti, pilit lang din ako ngumiti sa kanya.

"Are you excited? U're soon to be Mrs. Manoban" walang emosyon kong sabi sa kanya.

"Of course! Magkakapamilya na tayo, kaya sobrang excited ako" nakangiti nyang sagot at humalik pa sa pisngi ko. Tumango tango lang ako kanya at binalik ang tingin kay Daddy na payapang natutulog.

Pano kung sabihin ko sa kanya na ayaw ko pang magpakasal kay Nancy? Will he accept my decision?

"Don't worry hija, ilang linggo nalang naman at ikakasal na kayo" nakangiting sabi sa kanya ni Mommy at napasulyap pa sakin.

Akmang tatayo na ako sa pagkakaupo nang makita kong tumigil na ang oras, 11:11 na pala at hindi ko man lang napansin.

"Here I am again" buntong hininga akong napatingin sa pinto na sumulpot mismo sa harapan ko.

Sa pagdadalawang isip ay halos titigan ko nalang yon, pano nalang kung nandon si Jen? Pano ko sasabihin sa kanya? How will I explain everything?

Akmang pipihitin ko na ang door knob nang bigla akong mapahinto sa mga hikbi na narinig ko kaya't nilapat ko ang tenga ko sa pinto. Dahil doon mismo nanggagaling ang mga ingay. Si Jen kaya yon? Pero sino pa bang aasahan kong pumasok don kundi sya? Sya lang naman ang nakakasama ko sa 11:11.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon