Twenty three.

25 1 0
                                    

Pretend...

---

JEN'S POVS

Nang makapagpaalam kami kay Tita Bam ay agad na din kaming umalis. Alas otso na ng gabi at papasok pa kami sa trabaho bukas.

"Grabe, nag enjoy ako kahit isang araw lang tayo kila Tita Bam" nakangiting sabi ni Chaeng habang nagmamaneho.

"Panong hindi ka mag eenjoy e puro pagkain tinira mo" natatawang asar naman sa kanya ni Sana.

"Oo nga e, kulang na lang maubos nya na yung pagkain nila Lisa sa ref" natatawa din namang sabi ni Chu.

"Sayang nga e di ako nakakuha ng chocolate mukang masarap pa naman" nakangusong sabi ni Chaeng na kitang kita pa sa salamin ang muka.

Agad naman akong napatingin sa kanya ng maalala ko ang tsokolateng binigay sakin ni Lisa bago kami umalis. Pfft, hinabol nya pa nga yon nung palabas nako ng bahay nila.

"Eto oh chocolate" sabi ko at inabot ang maliit na paper bag na nasa gilid ko na may lamang tsokolate.

"Chocolate?" Tanong ni Chaeng at agad pang tumingin nang mapahinto dahil sa red lights.

"Hala?! Eto yon diba?" Taka nyang tanong at isa isa naman silang nagsikuha. Ang dami kasi ng binigay ni Lisa, as if namang mauubos ko yon lahat.

"Hoy Jen! Umamin ka nga, kinuha mo to no?" Nakataas ang kilay na tanong ni Chu habang sila Dahyun ay nanginginain na nga.

"Ghadd Unnie? Hindi naman ako nangunguha no! Binigay yan ni Lisa" nakasimangot kong sabi at binawi ang paper bag na may laman pang ilang tsokolate, baka maubusan pako ng mga to. Sakin nga binigay e tss.

"Binigay to ni Lisa?!" Nagtataka nya pang tanong at binuksan ang tsokolateng hawak.

"Oo nga" walang emosyon kong sabi at bumalik sa pagkakasandal sa bintana ng kotse.

"Himala?! Nung una binalak nyo pang gantihan si Lisayah tapos ngayon parang mas close pa yata kayo" natatawang sabi ni Chaeng at hawak pa ang tsokolate sa kabilang kamay habang nagmamaneho.

"Oo nga! Ikaw Jen aah kunwari ka pa baka sa susunod malaman nalang namin na gusto mo na si Lisa" sabat naman ni Dahyun. Wtf?! Si Lisa! Magugustuhan ko?! Pfft.

"Hindi naman ako baliw tulad mo no" inis kong sabi at hindi na sila pinansin pa.

Nakaidlip nako sa kotse dahil nakakapagod din ang buong araw na pakikipagdaldalan at tawanan kay Tita Bam. Paggising ko ay nasa parking lot na kami at si Unnie ay panay ang pagtapik sa pisngi ko.

"Jen! Gumising kana. Hindi kita mabubuhat no" sabi nya habang niyuyugyog ang katawan ko para magising.

"Oo na, eto na" mahina kong sabi at nagkusot pa ng mata saka tuluyang bumaba ng kotse bitbit ang bag ko at paper bag.

Pupungay pungay pa ang mata ko habang nasa elevator kami at nakatuon ang ulo ko sa likuran ni Unnie. Nang makarating kami sa floor namin ay hinila nya na lang ako papasok sa unit. Nang biglang...

"Jen, buti naman nakauwi na kayo" bungad ni Seulgi na mukang kakauwi lang rin at kitang kita ko si Kai na nakaupo sa couch sa sala. Wuttdaa?! Anong ginagawa nya dito! I mean bakit nandito na sya?!

"Kai?!" Gulat pang bungad ni Unnie kay Kai at agad na nilapitan saka inakbayan. Saglit kaming nagkatinginan ni Dahyun at napasapo nalang ako sa noo ko. P-pano na!

"K-kai?" Utal kong tanong at lumapit na rin sa kanila. Naupo ako sa tabi ni Dahyun at seryosong napatingin kay Kai.

"Bat ang aga mo dumating? Kala ko next week pa?" Tanong ni Dahyun at seryoso ding napatingin sa kanya.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon