Eight.

27 2 0
                                    

Consequence...

---

JEN'S POV

"Guys? Hindi ba tayo gagala? Ang boring dito" Nakabusangot ang muka na sabi ni Dahyun saka naupo sa tabi ni Sana.

"Gusto mo nanaman bang maulit yung nangyari kahapon?" sabi ni Chaeng habang panay ang pagkain.

"Ako din, gusto ko gumala" singit ko.

"Guys, alis muna ako" napatingin kaming lahat kay Chu na bihis na bihis at mukang may pupuntahan.

"Unnie? San ka pupunta?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"Magkikita kami ni Seulgi" tipid nyang sagot at sinukbit ang dalang handy bag. Naalala kong nandito nga din pala si Seulgi para sa wedding nila. Dito kasi sila nagkakilala ni Irene.

"Sama ako!" Sabi ko at agad na nanakbo papuntang kwarto saka nagbihis. Katulad nung isang araw nakamask at shades ako. Mahirap na baka dumugin nanaman kami.

Paglabas ko ng kwarto ay nakabihis na din si Chaeng at si Dahyun at Sana, nagpaiwan nalang.

Habang nasa kotse ay panay ang pagsulyap ko sa bintana. Si Chaeng ang nagd drive at si Chu naman panay ang pagpindot sa phone nya.

"Chu? Saan ba daw?" Tanong ni Chaeng.

"Malapit na tayo, dun daw sa mini park para walang gaanong tao" sabi naman ni Chu. Ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa nasabing park, kita kaagad namin si Seulgi na nakaupo sa isang bench at mukang busy sa phone.

"Seul!" Sigaw ni Chu dahilan para mapatingin sya samin at tumayo.

"Kanina kapa?" Tanong ni Chu sa kanya habang sya ay panay ang pagpapalinga linga nang lumapit sa kotse.

"Hindi, kararating ko lang rin" sagot nya at binalik ang atensyon sa phone.

"Tara na, san ba tayo?" Tanong ko.

"Saglit lang, hintay pa tayo ng konti. Wala pa yung meet up ko" tipid nyang sagot.

"Kameet up?" taka naming tanong ni Chaeng.

"Oo, yung wedding coordinator nila saka yung photographer" sagot naman ni Chu.

"Huh? San ba tayo pupunta?" Tanong ko at hindi maintindihan ang sinasabi nila.

"Bibisita dun sa beach na plano nilang wedding venue" sagot pa ni Chu habang si Seulgi ay panay ang pagpindot sa phone nya. Well, exciting I love beaches.

"Oh ayon na pala sila, teka hintayin nyo nalang ako dito" sabi nya at patakbong lumapit sa dalawang babae. Nakatingin lang kami sa malayo at hinihintay silang matapos sa pag uusap.

Maya maya pa ay may lumapit pa sa kanyang isang babae, umalis naman yung isang babae saka sya lumapit samin kasama ang yung dalawa na naiwan.

"Oh? Tara na?" Tanong ni Chaeng nang sumakay silang tatlo.

"Okay na" sagot naman ni Seulgi.

"Bat umalis yung isa?" Tanong ni Chu.

"Ah, may emergency kaya secretary nya nalang pinasama" sagot ni Seulgi. Napatingin kami ni Chu sa babaeng kasama nya kanina.

"Si Claire Jang, assistant nya" dagdag pa ni Seulgi at pinakilala samin ang assistant nung babae kanina.

"Hi" bati nya samin at nakipagkamay.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon