Anonymous...
---
LISA'S POV
Nang makauwi ako pagtapos ihatid si Nancy sa condo nya ay naupo ako kaagad sa sofa dahil sa pagod.
"Oh? Late ka yata umuwi ngayon?" Takang tanong ni Mommy na pababa ng hagdan.
"Ngayon lang naman Mom" nakangisi kong sabi.
"Baka malimutan mong may curfew, di ka na makapasok. Before 12 dapat nandito kana" sabi nya pa. May curfew kasi ang subdivision since kailangan ng mahigpit na regulasyon para sa mga residente. May nangyari kasing massacre noon kaya naghigpit sila.
"Yeah mom I always remember, btw? Where's Dad? Sabi ng secretary nya maaga daw sya umalis ng office kanina?" Tanong ko nang maupo sya sa tabi ko.
"Aah? Your Dad? Pinuntahan yata yung kumapare nya. Alam mo naman yon, di makatanggi kapag niyaya" sagot ni Mommy at binuksan ang TV.
"Bakit? May kailangan kaba sa kanya?" Tanong nya pa.
"I just wanna tell him na pwede nang irelease yung collections, and also may wedding akong pupuntahan after 2 weeks" sagot ko at akmang tatayo.
"What about your girlfriend?" Tanong nya pa. Agad naman akong napatingin sa kanya.
"H-huh?" Tanong ko.
"Sabi ni IU nagkita na kayo nung Tacku? Wala ka bang balak na ipakilala sya samin?" Nakangiti nyang sabi.
"Si IU talaga, nauna pang magsabi kesa sakin. I'll bring her here tomorrow" sagot ko at agad na umakyat.
"Bring your friends too! Magpapahanda ako ng dinner" sigaw nya pa bago ako tuluyang umakyat. Sumenyas lang naman ako at kaagad na pumasok sa kwarto ko.
Habang naliligo ay hindi ko maiwasang maalala si Nancy. At si Jen? Nangako pa ako sa sarili ko na mapapasakin si Jen pero bakit si Nancy? Siguro nga ganon nalang ang reaksyon ko dahil nakita ko na si Tacku, ang babaeng matagal na nagpalakas sakin mula nang mawala si Jane.
Nang lumabas ako ay agad kong chineck ang phone ko nang marinig kong may notifications doon.
"Babe, nakauwi kana ba?" Message ni Nancy.
"Yeah, I'm already home. Nakaligo na din ako" reply ko.
"Good to know, matulog ka ng maaga" message nya pa. Hindi nako nagreply at kinuha sa bag ko ang mini camera na ginamit namin kanina ni Nancy kakapicture.
Naupo ako sa harap ng table ko at sandaling tinignan ang mga yon, sa pagpindot ko ay di ko namalayang litrato na pala namin ni Jane ang tinitignan ko at hindi na si Nancy. Napabuntong hininga nalang ako saka bumalik sa kama at natulog.
CHAENG'S POV
"What the hell did you just say?! May gusto ka kay Lisa?" Gulat naming tanong ni Chu nang magkwento sila Jen tungkol sa binalak na pag amin ni Dahyun.
"Guys, okay naman na. Atleast ngayon mas nalinawan ako. Pano pala kung kami na tas saka lang magbago isip ko" paliwanag ni Dahyun.
"What do you mean?" Takang kong tanong.
"I bet she realized na ako pala ang gusto nya HAHAHAHA" natatawang sabi ni Sana at kaagad naming tinignan ng masama.
"Wala kami sa mood para tumawa Sana" pagsusungit ni Chu. Agad naman syang tumahimik.
BINABASA MO ANG
11:11
FanfictionThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...