Offer...
---
JEN'S POV
Habang busy sa pagkain ng binili kong burger at vanilla flavored ice cream, mag isa lang ako dito sa van. Lumabas kasi sila Chaeng, Chu, at Seulgi para salubungin si Irene. Since sunday ngayon nasundo pa namin sya sa airport dahil walang trabaho.
"Jen!" Sigaw ng isang kabute, este si T-tata?! Teka bat nandito sya.
"Hoy?! Bat nandito ka!" Sigaw ko nang sumakay sya. Sandali kong binaba ang kinakain ko.
"Sumama ako, bawal?!" Pilosopo nyang sagot, sakto din namang pagpasok nila Irene at Seulgi.
"Irene?! Bakit kasama si kabute?!" Nakakunot ang noo kong bungad sa kanya.
"Nagpumilit e, HAHAHAH" natatawa nyang sagot. Agad din namang napawi ang pagtawa nya nang titigan ko sya ng masama.
"Si Tata sisihin mo" singit naman ni Seulgi na nakaunan pa sa balikat ni Irene. Balak pa yata ng dalawang to na dito maglandian.
"Lets goo!" Sigaw ni Tata at tatawa tawa pa. Nang umayos ako ng upo ay nawala na ang ice cream na pinatong ko lang kanina sa harap.
"Yung ice cream ko?!" Sigaw ko, aish sira na nga araw ko dahil kay Tata nawala pa yung ice cream ko?!
"Bakit? Sayo ba yon?" Takang tanong ni Chu nang i start nya ang sasakyan.
"Oo? Nasan na?" Tanong ko din.
"Sabi ni Chaeng kanya daw" sabi ni Chu at tatawa tawa ng mag umpisang magmaneho.
Agad naman akong napatingin sa kinauupuan ni Chaeng at naka headset pa sya habang ineenjoy ang pagkain sa ice cream.
"HAHAHAHAHA, kawawa naman girlfriend ko" pang aasar ni Tata.
"Hoy Tata! Magtino ka! Pupunta din dito si Kai. Kapag narinig ka nun na tinatawag mong gf yan si Jen, baka magkagera pa" singit naman ni Chu.
"Si Kai? Yung bf nyang bulok? Pagbuhulin ko pa sila ng aso namin e" natatawa nya pang sabi.
"Buti naman, naisipan nyo ding magkita" sabat naman ni Irene.
"Anniv kase nila next week" sagot naman ni Chu.
"Oh? Congrats" bati nila Seulgi at Irene. Si Tata naman ay nanahimik at lukot na ang muka sa narinig, pfft mabuti na din yan.
"Manahimik na kayo, matutulog kami. Wag kayo maingay" bulyaw ni Seulgi at yumakap pa kay Irene. Ang sarap batuhin netong dalawang to. Inggit ako.
Tahimik kami sa byahe at nakatanaw lang sa bintana. As usual, ganon naman lagi. Nang makarating kami sa hotel ay nagsidiretso kaagad kami sa kanya kanyang kwarto, nakakapagod din ang sunod sunod na photoshoots.
Sumalampak ako sa kama at napahinga ng malalim kakaisip kay Kai. Matapos ang ilang minuto ng pag iisip ay lumabas din ako ng kwarto.
"Unnie? Si Dahyun?" Tanong ko kay Chu nang makita ko sya sa sala at nakahiga sa sofa habang nanonood ng mga tv series na pinagbidahan nya. Parang baliw lang diba?
"Nandon sa terrace kasama si Sana" sagot naman ni Chaeng na nakaupo lang din sa harap nya. Mukang di maistorbo tong manok na to.
"Sige" tipid kong sagot saka nagpunta ng terrace, nasa pinto palang ako ay rinig ko na ang usapan nila Sana at Dahyun.
"Si Lisa?!" Sigaw ni Sana, kaya't agad akong napahinto sa kinatatayuan ko at pinakinggan ang usapan nila.
"Pshh, bunganga mo! Sayo ko lang to sinabi kaya wag ka maingay" rinig ko pang sabi ni Dahyun.
BINABASA MO ANG
11:11
FanfictionThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...