Questionable...
---
LISA'S POV
Nang makaalis sila Jen ay agad akong nagtungo sa kwarto ko para magpahinga, nang bigla kong makasalubong si Ate Tess na bitbit ang isang basket na puno ng mga bed cover, pillow cover at blanket. Yun siguro ang mga ginamit nila Jen.
"Ma'am" tawag nya sakin kaya agad akong napahinto at napatingin sa kanya.
"Naiwan po kasi to nung kaibigan nyo" sabi nya at ibinigay sa akin ang isang bracelet na mukang handmade lang. Kanino naman kaya to?
"S-sige salamat sa pagsauli" sabi ko saka tuluyang dumiretso sa kwarto ko.
Naupo pa ako sa swivel chair na nasa harap ng table ko at chineck ang phone.
"Oh shit, si Nancy" gulat kong sabi nang makita kong may 32 missed calls ako galing kay Nancy. Agad ko syang tinawagan para magpaliwanag. Buong araw ko kasing hindi dala ang phone ko sa baba dahil buong araw kaming nagkwentuhan nila Jen.
Maya maya pa ay sinagot na nga nya ang tawag pero walang nagsasalita sa kabilang linya.
"Babe?" Mahina kong sabi at napasapo nalang sa noo. Pano ko ipapaliwanag?! Sasabihin ko busy ako sa pakikipagkwentuhan kila Jen kaya di ko nasagot?!
"Babe, sorry" sabi ko pa dahil wala paring nagsasalita sa kabilang linya.
"Sige na, busy pako" rinig ko ang mahina at seryoso nyang boses sa kabilang linya.
"P-pero babe let me ex-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla nya akong babaan ng tawag. Bakit kase nalilimutan ko si Nancy kapag nandyan si Jen. Aarghh!
Tinabi ko ang bracelet sa drawer ng table ko saka ako sumalampak sa kama at natulog. Bukas ko nalang sya susuyuin, sa ngayon magpapahinga muna ako.
Kinabukasan...
Maaga akong nagising para may oras pa ako para makipagkita kay Nancy. Sinabihan ko na sya na magkita kami sa Greyhound cafeteria at pumayag naman sya.
Nakaupo ako sa two seats table at matiyagang naghihintay kay Nancy, nang mahagip sya ng mata ko na kabababa lang ng kotse nya. Agad akong umayos at ngumiti pa.
Kinawayan ko sya nang seryoso syang mapatingin sakin. Parang ngayon ko lang sya nakitang nagalit ng ganto, iba talaga siguro kapag magkalapit at ldr.
"Babe, buti dumating ka" nakangiti kong bungad sa kanya.
"Saglit lang ako, may kikitain pako" seryoso nyang sabi at napasipat pa sa wrist watch nya. Muka ngang galit sakin.
"Nakipagkita ako sayo kase hindi mo naman ako kinakausap sa call. I just want to say sorry" panimula ko, bumuntong hininga lang naman sya at nakatitig lang sakin.
"I didn't mean to snob your calls. Nalibang lang talaga kami nila Mommy sa pagk kwentuhan" paliwanag ko pa at nakanguso habang nakatingin sa kanya. Dapat magmuka akong nakakaawa.
"Its okay" walang emosyon nyang sabi. Aaah bat ba ang hirap suyuin ng babaeng to.
"Date tayo after work if you want" nakangiti kong sabi. Hindi naman sya umimik at nakatingin lang sakin habang nakacross arms. Aish.
"Fine, sabi ko nga ayaw mo" sabi ko at napabuntong hininga nalang.
"Okay, I'll forgive you in one condition" sabi nya, agad naman akong napatingin sa kanya at inaabangan ang sasabihin nya.
BINABASA MO ANG
11:11
FanfictionThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...