Thirty four.

28 1 0
                                    

See what I see...

---

LISA'S POV

Nang magising ako ay wala na si Nancy sa tabi ko, dumiretso ako sa banyo para maligo dahil nangangamoy alak pa ako. Pagtapos kong maligo ay agad akong lumabas ng kwarto.

Napahinto ako nang saktong bumukas din ang pinto sa tapat ng kwarto ko at iniluwa non si Jen na humihikab pa. Napatingin lang ako sa kanya at nang mapatingin sya sakin ay natatarantang bumalik papasok ng kwarto nya. Dafuq eto na nga ba sinasabi ko e.

"Oh Lisayah! Gising kana pala" bungad ni Suzy at tatawa tawa habang may hawak na juice.

"Nasan na sila Nancy?" Tanong ko at sinara ang pinto ng kwarto namin.

"Nandon, nakikipagtawanan sa parents nila Seul" sagot nya at akmang aalis na nang tanungin ko pa sya.

"E si IU?" Tanong ko, tinuro nya naman si IU na nasa di kalayuan at kasama sila Chaeng.

"Pakisabi mag uusap kami" sabi ko pa bago tuluyang umalis.

"Goodmorning po" bati ko sa dalawang babae at isang lalaki na nasa sala.

"Ah btw Mom, si Lisayah sya yung sikat na photographer dito sa Thailand na kinuha namin. Kaibigan din sya nila Jen" pagpapakilala sakin ni Irene sa kanila. Tumango lang ako at ngumiti.

"Babe" tawag pa ni Nancy nang akmang pupunta nako sa kusina. Nakataas ang kilay akong tumingin sa kanya at lumapit lang naman sya sakin.

"Mamaya dadating yung pinsan ko na ininvite ko" sabi nya habang nakasunod sakin at nagpunta sa kusina.

"Pinsan mo?" Nagtataka kong tanong dahil wala naman syang nakikwento sakin na may pinsan sya, ngingiti ngiti lang syang tumango at tumango nalang din ako.

CHU'S POV

Umaga palang ay nandito nako sa lugar kung saan kami nagpupunta para sa signal. Tatanungin ko kase si Jin kung nasan na sila.

"Arghh! Umayos ka naman!" Inis kong sabi at panay ang pag angat ng phone para sa signal.

Mag isa lang akong pumunta dito at kanina pa ako naghahanap ng mapupwestuhan. Nang bigla akong makatanggap ng message mula kay Jin.

"5 mins nandyan na kami, kasama ko si Jimin" message mula sa kanya. Halos magtatatalon pa ako at magtititili dahil padating na ang crush ko. Alas dies na din kasi.

Hindi nako nagreply pa at mabilis na naglakad pabalik sa resort.

"Chaeng!" Tawag ko kay Chaeng mula sa di kalayuan, napaharap naman sya sakin at nanakbo pa palapit.

"San ka galing? Kanina kapa hinahanap nila Tita" nakabusangot nyang tanong.

"Naghanap ng signal" sabi ko at hila hila pa sya.

"Ikaw lang mag isa?! Baliw kaba? Pag may nangyari sayo don" sabi nya pa habang ako ay ang laki ng ngiti.

"Baliw kay crush" natatawa kong sabi. Napasimangot lang naman sya at di na nagsalita.

"Chu! Nandyan na si Jin!" Sigaw ni Dahyun kaya't agad kong nahatak si Chaeng papunta sa gate ng resort. Pero imbes na matuwa ay nag init pa ang ulo ko sa nakita ko.

"Oh Jin, Sir Jimin" bungad ni Chaeng sa kanila. Si Nancy ay parang linta na nakaakbay pa kay Jin. Nababaliw ba sya.

"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Chaeng, napatingin din naman si Sir Jimin kay Jin na inakbayan ni Nancy.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon