Thirty five.

28 1 0
                                    

Wed...

---

THIRD PERSON'S POV

Lahat sila ay maagang nagising para magprepara ng wedding venue. Lahat ay busy at may kanya kanyang iniintindi.

"Paki urong naman ng konti, hindi pantay oh" sigaw ni Nancy habang inaayos nila ang mga maliliit na surfing boards na magsisilibing carpet. Maging si Lisa ay aligaga din sa pag aayos ng camera.

Ang iba naman ay abala sa paghahanda ng sarili dahil nagdadatingan na rin ang mga bisita na inimbita nila Seulgi. Maging ang mga models ng MNN na inimbitahan din nila.

"Seul? Ready kana?" Nakangiting tanong nila Dahyun nang pumasok sa kwarto kung saan naghahanda si Seul. Nakasuot sya ng kulay gray na two piece at mahabang puting shawl.

Napabuntong hininga pa sya bago tumayo at tumango saka lumabas ng kwarto, naghintay sa harap habang nakatingin sa mga kaibigan, at kamag anak nya na dumalo sa kasal na naglalakad sa gitna.

Hindi nya maipaliwanag ang sayang nararamdaman nya nang tuluyan nang tumugtog ang kanta na napili nilang dalawa.

" When I fall in love it will be forever Or I'll never fall in love In a restless world like this is~" pagtugtog ng music kasabay ng paghakbang ng babaeng hihintay nya.

Si Irene na sinabitan pa ng flower crown at naglalakad papunta sa direksyon nya na may malaking ngiti.

"Love is ended before it's begun And too many moonlight kisses~ Seem to cool in the warmth of the sun~ When I give my heart it will be completely Or I'll never give my heart~"

Nang mag umpisa na ang kasal ay samu't saring emosyon ang mababakas sa mga bisita, lalo na dalawang ikakasal.

Si Jen ay nakangiti habang nakatitig sa dalawang ikakasal, iniisip nya si Kai, ang gf nya. Nag iilusyon kung kailan sila ikakasal, at kung kailan nya mararanasang lumakad papunta sa altar.

Nagpalitan na nga ng wedding vows ang dalawa, nagpalitan ng singsing at natapos sa isang matamis na halik kasabay ng pagpalakpak ng mga tao.

LISA'S POV

Nang matapos ang seremonya ay walang tigil na ang pagkuha ko ng litrato. Mabilis na lumipas ang oras at madilim na sa lugar, medyo pagod na din ako. Sa dami ba naman ng bisita nila, siguradong mapapagod ka. Tapos di pako makagalaw ng ayos dahil dito sa suot ko, nagsisisi talaga ako na pumayag akong magsuot neto e.

"Lisayah! Kuhaan mo kami" sigaw nila IU kasama sila Chaeng at nagpakuha ng litrato sa bagong kasal. Sandali pang napukaw ang atensyon ko ni Jen na nakatwo piece at may shawl kaya't medyo kita ang legs nya. Tapos yung dibdib ny-...

"Lisayah antagal naman!" Sigaw nila Chaeng kaya't nabalik ako sa wisyo at kinuhaan sila ng litrato.

Di naman maitatangging nakakaattract si Jen dahil sa suot nya. Aish! Lisaa focus!

"Ma'am! Papicture kami!" Sigaw pa ng ilang models saka ko kinuhaan ng litrato.

"Babe!" Sigaw ni Nancy nang mapatingin ako sa direksyon nya na kasama ng mga lalaki. Tss, ano nanaman bang pumasok sa isip nya, di ba sya aware na babae sya tas kung sino sino kasama nya.

"Woah, walang nagsabi sakin na sobrang hot pala ng girlfriend ko" natatawa nyang biro at tumingin pa sa suot kong itim na half tube at shawl sa baba.

Nakasimangot lang naman akong tumingin sa kanya.

"Ikaw, kanina ka pa don. Ano kaba? Lalaki kaba? At puro lalaki kasama mo" walang emosyon kong sabi at umaktong may tinitignan sa camera.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon