Personally mistaken?...
---
Nagising ako ng alas dos ng madaling araw nang tumunog ang phone ko.
Tacku calling...
Ang aga nya naman yata tumawag ngayon?! Kinusot ko muna ang mata ko saka bumangon sa pagkakahiga bago sinagot ang tawag nya.
"Hello?" Inaantok na boses kong sabi.
"Babe? Nagising ba kita? Sorry" malambing na boses nya sa kabilang linya.
"Hmm, its okay. Is there any problem?" Tanong ko at pipikit pikit ang mata.
"Nothing, I dreamed bad about you, that's why" sagot nya.
"Aww, Its just a nightmare baby. Go back to sleep now, its too early in the morning" sabi ko pa at humikab.
"Pfft, okay you can continue sleeping na. Iloveyou"
"Iloveyoutoo, sleep well" paalam ko at agad na binaba ang tawag.
...
Nang magising ako ay agad akong naligo at nagbihis. Nakaschedule kasi ngayon ang meeting namin ni Seulgi at ayaw kong paghintayin sya.
"Hija? Hindi ka ba muna kakain?" Bungad ni Mommy hawak ang isang baso ng fruit shake.
"Hindi na Mom, restaurant din yung pupuntahan ko kaya dun nalang ako kakain" paalam ko at kaagad na umalis.
"Hey! Lisayah!" Sigaw ni IU nang mapadaan ako sa harap ng bahay nila. Aish.
"Oh?!" Sigaw ko. Hindi naman sya kaagad na sumagot at nagmamadaling sumakay saka naupo sa gilid ko.
"Sabi ko na nga ba, tatakasan mo nanaman ako. Lagi mo kong iniiwan, alam mo namang lagi akong sumasama sayo" natatawa nyang sabi saka nagseatbelt.
"Wala ka naman kaseng ginagawa don, puro ka lang tunganga. Kung nag a apply ka, baka hintayin pa kita sa labas ng bahay nyo" walang emosyon kong sabi saka nagpatuloy sa pagmamaneho.
"Para ano? Para magpastress sa mga paper works at kung ano ano? Dzuh I don't need that" mataray nyang sabi saka nagpipipindot sa phone.
"Kahit kelan tamad ka no? Kaya siguro ayaw sayo ipamana ng daddy mo yung kompanya nyo, pfft" sabi ko at nagpipigil ng tawa.
"Che! Magdrive ka nalang. Teka?! San ba tayo pupunta?" Taka nyang tanong ng mag iba ako ng daan. Hindi ko naman sya sinagot at mabilis na minaneho ang sasakyan.
"Yan, late nako sayo!" Pabiro kong sabi habang nakatitig sa daan.
Matapos ang ilang minuto ng pagd drive ay nagpark ako sa gilid ng restaurant kung saan kami magm meet. Dali dali akong naglakad papasok ng restaurant at nang masilayan sila ay umaktong pormal.
"Ghad Lisayah, para kang sira" bulong ni IU nang maglakad kami palapit sa kanila. Pero ang nakakapagtaka, tatlo sila.
Ang dalawa ay nakatalikod sa direksyon namin habang si Seulgi ay kitang kita ko naman.
"Ms. Seulgi Kang?" Bungad ko, agad naman syang tumayo.
"Oh here she is. Lisa Manoban, yung photographer sa kasal natin" sabi nya at pinakilala ako sa dalawang babae. Si Irene at si Nancy? Ibig sabihin?! Si Irene ang babaeng papakasalan nya?!
BINABASA MO ANG
11:11
FanfictionThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...