Fifty.

24 0 0
                                    

Destined...

---

CHAENG'S POV

"Teka, pano ba? Ganto?" Rinig na rinig ko ang mahinhing boses ni Chu sa di kalayuan habang nakaupo sa buhanginan katabi ni Loren. Nagpapaturo kasi sya kay Loren na mag gitara, tss as if namang matututo sya.

"Sus ang landi!" Sigaw ko at umaktong nakatingin sa kung saan nang bigla syang humarap sakin at nakakunot ang noo.

"Chu! Chaeng! Tara na!" Sigaw ni Seulgi mula sa di kalayuan at sumenyas pa. Agad akong tumayo at lumapit sa direksyon nilang lahat.

"San tayo?" Taka kong tanong.

"Kakain, tinatamad daw sila magluto kaya dun nalang tayo sa kainan don oh" sagot ni Dahyun at tinuro ang kainan na nasa di kalayuan.

"Hindi naman kase talaga kayo nagluluto, tss" pang aasar ko at sumabay na kila Jen at Irene na nauuna nang maglakad.

"Oh Jen, busy ka nanaman sa phone mo?" Pansin ko sa kanya nang makitang busy nanaman sya sa kakapindot at mukang may kausap.

"Sino ba yan? Si Lisa?" Tanong din ni Irene na nakapagpabuntong hininga sa kanya.

"Hindi, s-si IU lang" tipid nyang sagot at tinago ang phone.

Nang makarating kami sa restaurant ay kanya kanya nanaman kami ng upo, at nagawa pa talagang isama ni Chu dito yung Loren na yon.

Pagtapos umorder ay saglit pa kaming nagkakwentuhan at maya maya din ay dumating na ang pagkain.

"Btw, kinukulit ako ni IU na bumalik daw tayo sa bangkok" pagbasag ni Chu sa katahimikan at panay ang pagnguya.

"Ako din e, pero di ko pinagkalat" pang asar kong singit at tinarayan nya lang naman ako.

"May problema yata kila Lisa?" Singit din ni Dahyun.

Sandali kaming natahimik at nagpatuloy sa pagkain.

"Nga pala, bukas uuwi nako" entrada ni Kai kaya't lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Ang bilis naman, dapat sumabay kana sa schedule namin e"

"Sila Mommy kase hindi na makapaghintay, alam nyo naman antagal ko na din sila di nakakasama" paliwanag nya pa.

"Yeah, sigurado miss kana non" singit din ni Sana.

"Jen? Nasabi mo na ba sa kanila?" Tanong pa ni Kai na pinagtaka namin at lahat kami ay napatingin kay Jen na kanina pa tahimik.

"A-aah hindi p-pa" kabadong sagot ni Jen na mas lalong pinagtaka namin.

"Anong dapat sabihin?" Tanong ni Chu at kunot noong nakatingin sa kapatid. Nahuli ko pang nagkatinginan si Kai at Jen nang hindi sya makasagot.

"Nga pala, wala talaga kayong balak umattend sa kasal ni Lisa?" pag iiba ni Kai sa usapan. There's something fishy here.

"Kahit gusto namin, hindi na namin maiurong yung schedule ng flight" sagot ni Irene habang panay ang pagkain ng iba.

"Yeah, sinabihan ko na din sya na babawi tayo pag nakabalik na ulit tayo dito" dagdag din ni Seulgi.

Matapos naming kumain ay nakisali pa kami sa mga foreigner na nagkakatuwaan doon, dahil may mga palabas na nagaganap.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon