Nine.

26 3 0
                                    

Patience...

---

LISA'S POV

Kaagad akong bumaba ng kotse at pumasok sa puting kwarto, nakita ko ang pangalan ni Jen at Chu na iba na ang kulay. Mukang naging permanente na nga ang sulat at hindi na nakamarker.

Napabuntong hininga nalang ako at pinunasan ang luha ko, pinangako ko sa sarili ko na sa dadating na Jen, hindi na masisira yung pangako ko.

Akmang pipikit na ako ng mapatingala ako at makita ang nakasulat sa kisame. "Force it, and someone will die after. Patience is a must." wait what?!

Lalo akong nanlumo nang marealize ko na ang puting kwarto nga ang may kagagawan ng pagkamatay ni Tita Agatha. P-pero bakit sya? Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Bakit kailangan pa ng kapalit?!

Pumikit na ako at sa pagdilat ko ay nagmamaneho na ulit ako ng kotse. Nang makauwi naman ako sa bahay ay nagkulong lang ako sa kwarto hanggang mag gabi. Kasalanan ko to. Para lang sa sarili kong kagustuhan, kaya to nangyari.

...

Two days passed and yet I'm still at my room, dalawang araw na rin akong nasa bahay lang at absent sa trabaho. And the hell who cares? Kompanya naman namin yon.

Nakatulala lang ako sa kisame at kung ano ano na ang iniisip. Boring dito sa kwarto pero wala pa akong ganang magtrabaho. Nakokonsensya talaga ako sa ginawa ko.

Nagawa kong sabihin yon kay IU pero as usual hindi nya pinaniwalaan. Kanino naman ako mago open up?

Knock...knock...

Agad akong napabangon nang may kumatok sa pinto ko kaya binuksan ko yon.

"Mom, sabi ko naman wala akong gan-" akala ko si Mommy si IU pala at kasama nya pa si Suzy.

"O-oh? Bakit kayo nandito?" tanong ko nang pumasok sila sa kwarto ko at naupo sa kama.

"Girl? Ano na? Wala kang balak magtrabaho? Tambak na sched mo, sabi pa ni Claire di ka macontact" bungad ni IU at nakacross arms pa habang nakataas ang kilay na nakatingin sakin.

"Sabi ko naman sayo, di pako okay. Dahil ng-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita pa sya.

"Lisayaah?! Tigilan mo na nga yang ilusyon mo" nakasimangot nyang sabi kaya't napakunot din ang noo ko. Wala talagang naniniwala sakin.

"IU, kung pumunta lang kayo dito para kulitin ako na pumasok. Umuwi na kayo" walang gana kong sabi sa kanya saka sumalampak sa kama.

"Lisa please? Pumasok kana?" singit ni Suzy at nakapout pa. Wuttda.

"Sorry, wala talaga ako sa mood puma-" bigla nya akong hinalikan sa pisngi, dahilan para bigla akong mapatayo. Aish, ano bang ginagawa nya.

"The fuck guys?! Sa harap ko pa talaga?" nakakunot ang noong sabi ni IU nang makita ang ginawa nya.

"What did you do? Yung pisngi ko" sabi ko at nakahawak pa sa pisngi. Para kay Jen lang to, kung nandito lang si Jen siguradong sa sofa ang diretso ko.

"Pumasok kana or else dadagdagan ko pa yan" natatawang sabi ni Suzy. Agad naman akong pumasok ng banyo nang akmang lalapit nanaman sya sakin at hahalikan ako.

Naramdaman kong nag init ang pisngi ko dahil sa ginawa nya, ang tagal na ring walang humahalik sa pisngi ko. Aish.

"Maligo kana haa, hintayin ka namin sa baba" sabi ni IU sa labas. Napabuntong hininga nalang ako at napilitang maligo. Paglabas ko ng kwarto ay wala na nga sila. Pagtapos kong magbihis ay saglit akong naupo para magblower ng buhok.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon