Seen...
---
LISA'S POV
Rinig na rinig ko ang malalakas na tawanan at tilian ng mga babae mula sa isang kwarto kung saan kami nagsh-shoot.
Pagpasok ko ng kwarto ay bumungad sakin ang mga babaeng nagkakagulo at halos tanggalan na ng ngala ngala kakatili.
"Ehemm" sabi ni Claire na nakapagpaharap sa kanila sa amin.
"Anong kaguluhan yan?!" Nakataas ang kilay kong sabi dahilan para mapatungo sila at magsibalik sa dating pwesto.
Sa paghihiwa hiwalay nila ay nakita ko si Kuya Kookie na nakapants at fitted na sando.
"Anong ginagawa mo dito?!" Inis kong sabi nang malaman kong sya ang dahilan ng kaguluhan.
"Magta trabaho" nakangisi nyang sabi saka tumayo sa pagkakaupo.
"Hindi pa ngayon umpisa mo, umuwi kana" seryoso kong sabi at nilapag ang bitbit kong folder sa table na nasa gilid. Agad kong kinuha ang camera ko saka pumwesto sa gitna. Si Kookie naman ay tatawa tawa lang na nakatayo sa likod.
"Fierce!" Sigaw ko at akmang ic click na ang camera nang biglang may kung sinong sumigaw kaya agad akong napatingin sa direksyon nya.
"Lisayah! Wait!" Bungad ni IU at parang hingal na hingal pa at kagagaling lang sa pagtakbo.
"IU! Nagsh shoot kami, pwede ba mamaya kana mag ingay?!" Galit kong sabi dahil naudlot pa ang ginagawa namin.
"Teka lang kase! Mag usap muna tayo" sabi nya at agad akong hinila palabas ng kwarto.
"IU, sabi ko nam-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko si Suzy. Wtf?! Nandito na sya.
"S-suzy?!" Gulat kong sabi habang nakatingin sa kanya.
"Kilala mo sya?" Takang tanong naman ni IU saka napatingin saming dalawa.
"Ah Hi?" Bati ni Suzy.
"A-ah hindi ko sya kilala, pero parang ganon na" nalilito kong sagot.
"Btw gusto ko sya irefer, she badly need a job. Accept her Lisayah" sabi ni IU at halos magpakyut na sa harap ko.
"Fine, magbihis kana. Nagmamadali ako madami pa kong pupuntahan" sagot ko at agad na bumalik sa loob.
Nagsimula na nga ang photoshoot namin. Naging maayos naman ang mga anggulo at kuha ko ng litrato sa kanila.
"Next!" Sigaw ko habang nakatingin lang sa camera. Agad namang gumitna si Suzy at nagposing.
The hell she's still beautiful. Nakakatuwa lang na walang nagbago sa mga itsura nila, mula sa panaginip ko at sa realidad. Matapos ko syang kuhaan ng ilang litrato ay sumunod na ang mga male models.
Nang si Kookie na ang magmomodel ay nagtilian naman ang mga model na nanonood dahil inangat nya pa ang suot nyang sando. Nakalipbite habang nakaside view. Tuloy lang ako sa pagkuha ng litrato habang sya ay panay ang pagpapakahot sa harap ng camera.
"Omgg, lisa sobrang hot ni Jungkook" sabi ni IU habang nakikitingin sa mga litrato na nirereview ko sa laptop. Nandito na kasi kami sa office ko since tapos na ang photoshoot.
"The hell IU?" Inis kong sabi.
"What?! He's handsome and hot, normal lang na magkacrush sa kanya ang mga babae. Maliban na lang kung hindi ka babae?" Nakataas ang kilay nyang sabi habang nakangisi.

BINABASA MO ANG
11:11
FanficThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...