Twenty seven.

31 1 0
                                    

Get back at you...

---

CHAENG'S POV

Nang matapos kaming kumain ay umalis na din kami kaagad, nagsisimula na kasing dumami ang mga tao sa paligid at may iilan ng sinubukang lumapit samin.

"Guys! Buti nakauwi na kayo" bungad nila Irene at Seulgi na mukang kakauwi lang.

"Yeah, kumain pa kasi kami" sagot naman nila Dahyun at nagsidiretso sa mga kwarto para magpahinga.

"Oh Chaeng? Di ka pa ba magpapahinga sa kwarto mo?" Tanong ni Seulgi at agad na hinila si Irene paupo sa tabi nya. Balak pa yatang maglandian.

"Maya maya na" tipid kong sagot.

"Pwede ba Kai? Pagod ako, wag ngayon" rinig namin ang sigaw ni Jen mula sa kwarto. Ano nanaman kayang problema ng dalawang yon. Nag aaway nanaman yata, kung kelan nagkasama saka pa nagtalo.

"Hoy, ano nanaman yan? Kayong dalawa magjowa ba kayo o ano. Para kayong aso't pusa" bulyaw ni Chu na napasilip na sa kwarto nila.

"E unnie palabasin mo nga yan, nang aasar nanaman e" inis pang sabi ni Jen. Tinotopak nanaman, kanina pa yon wala sa mood.

"Nga pala Chaeng" agad naman akong napatingin kay Seulgi at nakataas pa ang kilay.

"May delivery ka nanaman kanina, dalawang box. Iniwan lang sa harap e" sabi nya pa. Agad na napakunot ang noo ko ng maalala ko ang message ni Mr. Stalker. Tumango nalang ako at dumiretso sa kwarto.

Pagpasok na pagpasok ko ay nandon nga ang dalawang box na nakapatong sa kama ko. The hell! Ano nanaman ba to.

"Oh ano yan Chaeng?" Bigla akong napabalikwas sa gulat ng pumasok si Chu sa kwarto.

"W-wala, i-inord-der ko online" tipid kong sagot at tinabi muna ang isang box saka binuksan ang mas maliit.

"Ano ba yan?" Takang tanong ni Chu at nakaupo lang sa harap ko habang nakatingin.

Wuttda?! Two piece! I-ibig sabihin alam nya din ang tungkol sa mangyayaring wedding?! How did he know!

"Pfft, umorder kapa online para lang sa two piece?" Natatawang sabi ni Chu.

"Hindi ko naman type, ikaw nalang magsuot nyan" walang emosyon kong sabi at nilagay sa ilalim ng kama ang box.

"Bat mo pa inorder di mo naman pala type" natatawa nyang sabi at sinukat pa yon sa harap ng salamin.

Knock..knock..

Agad akong tumayo para silipin kung sino ang kumakatok, si Irene lang pala.

"Oh invitation card. Bigyan nyo na mga kaibigan nyo" sabi nya at inabot sa akin ang ilang envelope. Agad ko ding sinara ang pinto ng umalis sya.

"Oh Chu? May pagbibigyan kapa ba?" Tanong ko at inabot sa kanya ang mga invitation card.

"Aah! Yeah, sabi kasi ni Jin hahabol daw sya, so kakailanganin nya yan" nakangiti nyang sabi at kinuha yon sakin.

"Crush na crush mo talaga si Jin no?" Sabi ko at tumawa pa ng peke saka nahiga sa kama.

"Tapos hindi ako crush? HAHAHA inunahan na kita" natatawa nyang sabi at sumalampak pa sa kama.

Nakatulala lang kami habang nakatitig sa kisame at walang imik. Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang stalker kong yon, pati si Chu. Kung kailan nya ako titigilan. At kung kailan ako aamin kay Chu.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon