Twelve.

22 2 0
                                    

Unprepared...

---

THIRD PERSON'S POV

Nang pumasok si Lisa sa opisina ng Daddy nya ay naabutan nya yon na nakatalikod at may kausapan sa phone.

"I'll make sure na magrerelease kaagad kami ng new collections within this year... Oo sige..." Rinig nyang sabi ng daddy nya sa kausap kaya't naupo muna sya sa isa sa couch doon.

"Nandyan ka na pala" sabi sa kanya ni Arthur nang maupo sa table.

"Kamusta ang photoshoot?" Tanong pa nito sa kanya.

"This Friday lang tapos na ng mga old models yung first batch ng mga damit. Pero yung mga bago, it'll take some months" sagot ni Lisa. May puting envelope naman na kinuha si Arthur sa ilalim ng isang folder.

"Here, treat them a dinner, after ng shoot nyo" sabi nya at inabot kay Lisa ang envelope. Nagtataka namang napataas ang kilay ni Lisa dahil ngayon lang nagpablow out ang daddy nya ng ganon.

"Treat?" Taka nyang tanong.

"Yes, treat them, especially the artists. Nabalitaan ng business partners natin na mga sikat na artista ang magmomodel ng brand natin, kaya dinoble pa nila ang invesments, yung iba nagtriple pa" nakangiting sagot sa kanya ni Arthur.

"Pero baka isipin nila, may special treatment yung mga newbie" pagdadalawang isip ni Lisa.

"You can handle that" tipid na sagot ni Arthur kaya't napabuntong hininga nalang si Lisa nang lumabas sya ng kwarto. Agad naman syang sinalubong ni Jungkook at Suzy na mukang nag aasaran pa.

...

"Unnie, ayan na umalis na si buto" bulong ni Jen kay Chu nang makitang lumabas sila Jungkook, Suzy, at Lisa.

"Aah guys, wait lang ah" paalam naman ni Chu at hinila si Jen, ang ilang models ay naglabasan na din para maglunch habang ang iba naman ay busy sa pakikipag usap kila Dahyun.

"Unnie? Sigurado kaba dito? Baka naman mahuli tayo" pagdadalawang isip ni Jen ng tuluyan na silang makalapit sa lamesa kung nasaan ang camera.

"Hindi yan, wala na ngang masyadong tao oh" pagpupumilit din ni Chu.

Agad na kinuha ni Jen ang Camera at kinalikot iyon, pinagbubura ang mga pictures nila na nakuhaan sa araw na yon.

Tatawa tawa pa silang dalawa nang bumalik sa tabi nila Dahyun, tuwang tuwa na nakaganti na sa kasungitan ni Lisa.

Nang matapos ang breaktime ay nagbalikan na ang lahat at maging si Lisa ay dumating na din.

"Antagal naman, kanina ko pa hinihintay na tignan nya yung camera" nakangising bulong ni Chu kay Jen, natawa lang din naman si Jen sa sinabi nya.

"Attention to all! May announcement ako" sigaw ni Lisa kaya ang lahat ay napatingin sa kanya. Maging si Jen at Chu ay inaabangan ang sasabihin nya.

"This Friday kailangan matapos na natin ang shoot sa first batch ng damit. So we can start for the next batch" panimula nya.

"Nice! I'm excited to have my vacation na after this batch"
"I agree! So kung mas maaga natin to matatapos, madadagdagan yung rest day natin"
Bulungan ng mga models na nasa gilid.

"And hindi lang yon.. We'll treat you a dinner sa araw na matapos natin to" dagdag pa ni Lisa na sobrang ikinatuwa ng mga models.

"Omgg! Makakapaggala tayo!" Sabi naman ni Chu at excited na nagtatatalon.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon