Thirty nine.

27 1 0
                                    

Who?...

---

THIRD PERSON'S POV

Mabilis na dumating ang ambulansya na tinawagan ng mga tao na nandoon. Sumama na si Chaeng at Chu sa kanila dahil kakilala din nila ang lalaki.

Habang nasa byahe ay agad namang tumawag si Chu kila Jen para balitaan sa nangyari.

...

"Jen?! Nakikinig kaba!" Inis na sigaw ni Kai na pinanlakihan naman ng mata ni Tata.

"Wag kang sumigaw, naririnig ka namin" pagdedepensa ni Tata. Si Jen naman ay natawa pa sa inaasta ng dalawa na para bang wala sa sarili na nakangiti lang.

Maya maya pa ay tumunog ang phone ni Jen, agad nya yong sinagot nang makita nyang si Chu ang tumatawag.

"Unnie?! Nasan na kayo?" Bungad nya nang sagutin ang tawag.

"Jen, sumunod kayo sa hospital, pati si Lisa pasunurin mo. It text ko sayo yung location" mabilis na sabi ni Chu at ibinaba agad ang tawag.

Natataranta namang tumayo si Jen at kinuha ang coat nya, nag aalala syang baka may nangyaring masama sa kanila.

"San ka nanaman pupunta?" Nakakunot ang noong tanong ni Kai sa kanya.

"Sila unnie nasa hospital" mabilis nyang sabi at agad na lumabas. Akmang magbibihis din si Tata para sumama nang pigilin sya ni Kai.

"Lisa?!" Sigaw ni Jen mula sa pinto ng unit nila pagtapos paulit ulit na pindutin ang doorbell.

"A-ano yon?" Takang tanong ni Nancy nang buksan nya ang pinto.

"Si Lisa?" Tanong pa ni Jennie.

"You can tell me, ako nalang magsasabi sa kanya" sabi pa ni Nancy kaya't agad na napairap si Jen bago pa magsalita.

"Papuntahin mo sya sa ospital, pinapapapunta sya ni Unnie. I'll text her the location" mabilis na sabi ni Jen at kaagad na umalis. Nakasalubong pa nila sila Dahyun at Sana kaya't nagtataka nila itong tiningnan.

"San kayo galing? Sila Unnie? Chaeng?" Nagtatakang tanong ni Jen sa kanila habang parehas silang walang kaide ideya sa nangyayari.

"Samahan nyo si Tata sa taas" sabi pa ni Kai bago sila tuluyang umalis ng hotel.

...

"The hell bro, alam mong malaking kasiraan yan sa kompanya" inis na sabi ni Jin kay Jimin na prenteng nakaupo sa couch at may kung sinong kausap sa phone.

"No, and besides malapit na rin naman tayong bumalik sa Seoul" sagot ni Jimin.

"That doesn't make sense. What enters ur mind to do th-" hindi na natuloy pa ni Jin ang ginagawang pagsermon sa kapatid nang biglang magpoped up ang isang message sa phone nya.

"They're at the hospital. I don't know what happened but I think aalis kaagad kami dito sa hotel" text message mula kay Nancy.

"Well, that's a good news" reply ni Jin.

"If you mind, come and visit there. Surely nandon din ako since kakilala nila ang naaksidente" message pa mula kay Nancy.

"We'll try. Sorry, may kailangan pa kaming pag usapan ni Jimin" reply naman ni Jin sa kanya.

CHAENG'S POV

Napasandal nalang ako sa pader na nasa tapat mismo ng operating room, naghihintay sa magiging resulta.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon