Forty six.

25 1 0
                                    

Death...

---

JEN'S POV

"Wala talagang magsasalita? Parang kanina lang magkayakap pa kayo. Unnie?! Ano na?" Tanong ko kay Chu na nakaupo sa gilid ng kama at halos magsocial distancing na sila sa layo ng pagitan.

"Aksidente lang yon. Nilalagyan ko kasi ng petroleum yung paso nya" paliwanag nya at napabuntong hininga pa.

"P-pero niyakap mo din naman ako ah!" Singit ni Chaeng.

"Sino ba naunang mangyakap haa?! Ako ba?" Depensa ni Unnie. Tss, ayaw nalang kase aminin na sila na e.

"E ano yon?" Tanong pa ni Chaeng at nakakunot ang noo.

"Sasabihin nyo ba, o sasabihin nyo?" Pagpupumilit ko.

"Ano bang dapat sabihin e nasabi na nga?!" Inis nyang sagot dahil sa pangungulit ko.

"Na kayo na!" Sigaw ko kaya't pareho silang natigilan, bigla ring pumasok si Dahyun sa kwarto.

"Omgg! Kayo naa?!" Singit nya nang makapasok. Agad ko naman syang binatukan para matahimik.

"Ang ingay mo, marinig ka ng iba" nakasimangot kong sabi.

"Kinikilig lang naman ako e, ayieee sila naa. Sabi ko na nga ba magiging kayo den e" bulong ni Dahyun at ngingiti ngiti.

"Walang kami, okay? Hindi ko ugaling makisawsaw sa relasyon ng iba" seryosong sabi ni Unnie at agad na tumayo saka lumabas.

Nagkatinginan nalang kami nila Dahyun sa sinabi nya. Sino bang may karelasyon?

"Oohhh selos si Chu kay Suzy hahahaha" bulong pa ni Dahyun.

Napailing iling nalang ako at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

"Jen, phone mo!" Tawag sakin ni Irene hawak ang phone ko na nakalimutan ko sa sala kanina.

"May tumawag na babae, hindi ko naman maintindihan sinasabi nya" dagdag nya pa at halos manlaki ang mata ko na kinuha yon sa kanya at nagpaalam.

"S-sige thanks" paalam ko at dumiretso sa kwarto ko.

Pag open ko ng phone ay agad kong chineck ang messages at phone calls, unknown number yung last call. Kinabahan tuloy ako, baka yung gf ko ang makausap nya.

Nang mahagip ng mata ko ang convo namin ni Lisa. Wala pa ring new message mula sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ang lahat, pagod na rin akong umiyak. Para matapos na, nag iwan nalang ako ng message sa kanya.

Knock...knock...

"Come in!"

"Jen, ready kana ba?" Bungad ni Kai at naupo sa gilid ng kama ko.

"Ready saan?" Taka kong tanong.

"Sa pagsabi kay Chu. Pag alis ko dapat masabi mo na yung totoo or else mas lalala pa" sagot nya at seryosong napatingin sakin.

" A-ah yeah, handa nako. Don't worry, pag alis na pag alis mo aaminin ko na kay Unnie" nakangiti kong sabi.

"Btw, tungkol don mapapaaga pala ako. Hindi na makapaghintay sila Daddy, kaya mas inagahan ng one week. So after next week aalis nako" dagdag nya pa kaya't tumango tango nalang ako.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon