Fifty three.

30 0 0
                                    

Fooled...

---

JEN'S POV

"Jen! Hindi mo daw sinasagot tawag ni IU" bungad ni Unnie nang pumasok ako sa kwarto para magpalit ng damit.

"Wag mo nalang pansinin Unnie. Nangungulit lang yon" mahina kong sagot at panay ang paghahalwat ng damit na maisusuot.

"Nag away ba kayo?" Bungad na tanong din ni Chaeng nang lumabas ng cr. Buntong hininga lang akong tumingin sa kanilang dalawa na naghihintay ng sagot ko.

"Hindi kami nag away, at walang dahilan para mag away kami" tipid kong sagot at dumiretso sa cr para magpalit ng damit. Balak kasi namin nila Dahyun na mamili ng souvenir sa bayan since ilang araw nalang at aalis na kami.

Habang nagbibihis ay bigla nanamang tumunog ang notification ng phone ko kaya't buntong hininga akong chineck kung ano yon. At di nga ako nagkamali ng inaakala si IU nanaman.

"Jen! Reply naman"
"Let's talk, nasan ba kayo?"
"Don't let Lisa marry that girl"
Sunod sunod na message mula kay IU, pero hindi ko yon pinansin at sa halip ay binura pa ang number nya sa phone ko. Ayoko na kasing makatanggap ng kung anong tungkol kay Lisa.

"Jen! Bilis hinihintay na tayp ni Irene!" Sigaw ni Dahyun mula sa labas at panay ang pagkatok sa pinto.

"Oo na, susunod nako" sigaw ko at naghilamos pa ng muka bago tuluyang lumabas.

"San nanaman punta nyo?" Takang tanong ni Unnie at panay ang pakikipaglandian kay Chaeng. Tss.

"Bibili kami ng madadala pabalik sa Seoul" walang emosyon kong sagot at tumango lang naman sya kaya't lumabas na din ako.

"Hoy Tata! Ayusin mo pagd drive, baka madisgrasya pa kayo nyan" paalala ni Seulgi kay Tata na excited nang gumala. Hindi kasi sasama si Seulgi at Sana dahil sila daw ang magluluto ng pagkain.

"Yes boss" sagot ni Tata at ngingiti ngiti na hinatak ako palabas ng bahay.

Habang nasa van ay napakatahimik naming lahat, ang tanging maririnig lang ay ang mahinang tugtog mula sa radio. Nakasandal lang ako sa bintana ng kotse habang binabaybay namin ang daan papunta sa bayan.

"Nga pala Jen, mamaya may sasabihin ako sayo" pagbasag ni Tata sa katahimikan at seryoso ang muka na lumingon sakin. Nagtataka man ako ay tumango tango nalang ako.

"Ano nanamang kalandian yan Tata?" Natatawang tanong ni Irene na nakaupo sa likuran. Katabi ko kasi si Tata.

"Its a private matter kaya mamaya ko na sasabihin pag uwi" dagdag pa ni Tata at sarkastikong tumawa.

Nang makarating kami sa bayan ay agad kaming nag ikot ikot. Halos hindi pa kami magkanda ugaga sa pagpili since ang daming pwedeng bilihin. May iilang tao pa ang nakakilala samin bilang artista sa Seoul o di kaya ay model ng MNN, buti na nga lang at hindi kami nadumog ng mga tao, lalo na siguro kung nandito si Unnie baka halos mag gown na yon.

"Btw, may babalikan lang ako don. Magkita kita nalang tayo sa parking area" paalam ni Irene at kaagad na hinila si Tata para sumama sa kanya.

Sa pag iikot namin ni Dahyun ay panay nanaman ang pagtunog ng notifications ng phone ko, hindi ko lang yon pinapansin at hinayaan na tumog nang biglang hablutin ni Dahyun.

"Yaah! Akin na! Si IU nanaman yan" giit ko at pilit na inaagaw sa kanya ang phone ko.

"Bat kasi ayaw mong replyan jowa mo" inis nyang sabi nang ibalik sakin ang phone ko. Kunot noo akong napatingin don at totoo ngang si Kai ang nagmemessage sakin.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon