Wishes...
---
LISA'S POV
Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng table ko sa office ko. Chinecheck ang lahat ng pinasang application forms sakin ng dalawang empleyado na pumalpak sa reporting.
Halos lahat ng application form ng mga nag aapply bilang model ay hindi pumasa sa standard ko. Ni isa wala manlang akong napili.
"Claire?!" Tawag ko sa secretary ko. Agad naman syang pumasok.
"Yes ma'am?" Tanong nya habang seryosong nakatingin sakin.
"Ano ba tong mga kinuha nila? Ang sabi ko mga model, e halos walang experience sa pagmomodel tong mga to?" Nakakunot ang noo kong sabi saka inabot sa kanya ang mga papeles.
"Sorry ma'am, ipapaulit ko nalang sa kanila" tipid nyang sagot.
"Btw? Anong next schedule ko?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang gamit ko.
"Ma'am, ngayon nyo po imimeet yung client nyo kahapon na pinaresched nyo" sagot nya, napatingin naman ako sa wrist watch ko, 08:52. Ilang minuto nalang pala 9 na.
"Okay, Let's go" sabi ko saka tumayo at naglakad palabas. Nakasunod naman sya sakin at maging sa elevator ay nasa likuran ko lang sya. Ilang beses ring bumukas ang elevator pero walang ni isang sumabay samin kapag nakikita ako.
Dumiretso kami sa parking lot at sya na ang pinagdrive ko ng kotse, since sya din naman ang nakakaalam kung saan ang meeting place. Matapos ang ilang minuto, nagpark sya sa gilid ng isang sikat na café dito sa bangkok. Greyhound Café.
"Ma'am, nandito na tayo" sabi nya at pinagbuksan ako ng pinto. Matagal ko ng secretary si Claire, pero hanggang ngayon ay ganon pa rin kami kapormal sa isa't isa.
Agad akong nagsuot ng shades nang maglakad kami papasok sa Café, nauna pa syang pumasok at nagpalinga linga para hanapin ang kameet up namin.
"Oh there she is Ma'am" sabi nya at nakatingin sa isang babaeng nakatalikod.
"Ma'am Seulgi?!" Tawag nya sa babae. Wait what?! Seulgi? Nang marinig ko ang pangalang yon ay sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. S-si Seulgi? Tama ba ang rinig ko?
"Oh? Ms. Claire" bati nya din nang makilala si Claire. Halos mabitawan ko na ang bag ko nang makita ko ang muka nya. Wtf? Si Seulgi? Ang childhood bestfriend ko sa panaginip ko?! Sandali akong naestatwa at sobrang ikinagulat ang mga pangyayari. Panong nag eexist ang taong sa panaginip ko lang nakilala?! At parehas pang Seulgi ang pangalan nila?!
"And surely you're Ms. Manoban, right? I'm Seulgi Kang" Sabi nya at inilahad ang kamay sakin. Nanginginig ang kamay kong inabot ang kamay nya at nakipagshake hands. The hell hindi ako nananaginip, totoong nahahawakan ko sya. Gusto ko syang yakapin.
"Y-yeah, Lalisa Manoban" pagdidiin ko sa pangalan ko at nagbabakasakali na kilala nya na ako noon pa.
"Yeah, I knew it" nakangiti nyang sabi nang tanggalin ko ang shades na suot ko.
"H-how did you know?" Gulat kong tanong.
"Claire tell me, and besides your a famous photographer here in Thailand" medyo natatawa nyang sabi. Oo nga pala, sikat nga pala ako at hindi malabong hindi nya ako makilala.
Naupo naman ako sa harapan nya at nasa gilid naming dalawa si Claire na nagt take notes. Panay lang ang pagsasalita nya tungkol sa plano nyang beach wedding, habang ako nakatulala lang sa kanya at halos di na maintindihan ang sinasabi nya.
BINABASA MO ANG
11:11
FanficThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...