Embarrassed...
---
LISA'S POV
Abalang abala ang lahat ng empleyado sa gaganaping conference ng MNN. Halos pabalik balik sila sa kanya kanyang pwesto para siguraduhing magiging maayos ang resulta. Lalo pa't may media na pumunta sa pag aannounce ng mga kaganapan sa MNN.
"You can do it hija, goodluck" pagpapalakas ni Mommy ng loob ko habang nakatayo kami sa backstage at pilit kong pinapakalma ang sarili.
"Babe, calm down, okay? We'll be watching you naman so wag kang kakabahan." Singit din ni Nancy at humalik pa sa pisngi ko.
Napabuntong hininga nalang ako nang magsimula ng magsalita ang host sa stage. Ewan ko ba pero marami naman na akong ginanapang event at ngayon nalang ulit ako kinabahan ng ganito.
"Please welcome, the new CEO of MNN ENTERPRISES... Ms. Manoban" saad ng host hudyat para lumabas na ako mula sa backstage, kabado man ay pilit akong ngumiti at umaktong normal sa harap ng camera na nakatutok lahat sakin.
"Good afternoon" pagbati ko at nagsimula na ngang magsiflash ang camera nilang lahat.
"Thank you for coming here... I am glad to announce the launching of our collections. We will be dealing in all fashionable attires for men, women and kids. Our main target is to make fashion accessible and affordable for everyone. Thus, we are also taking help of social media to promote our business" panimula ko.
"People, especially women are more conscious about fashion and are seen to be constantly experimenting in terms of carrying different hair looks, styles of clothing, etc. And these collections will serve as MNN's recovery solution since everyone already know about my Dad's death, and I hope I would receive your full support for handling our company. And to recover from various problems that occured" nakangiti kong speech sa harap nilang lahat at kaagad naman silang nagpalakpakan.
"Ma'am! What about you're passion in photography?" Tanong ng isang babae na may hawak na camera.
"Uhmm about that, I will still continue taking photography since that's my specialty" nakangiti kong sagot.
"What can you say about your wedding? As we all remember Mr. Arthur announced your upcoming wedding with Ms. Nancy?" Tanong pa ng isang reporter, agad naman akong napasulyap kay Nancy na nakaupo sa di kalayuan at ngumiti.
"About that... I think it would be a good news with the both company since she's a famous wedding coordinator in Korea..., it would make bonds for the both country and especially benefits from it"
"So everyone... thank you for presence here today. And that's all" pagtatapos ko at kaagad na bumaba ng stage at kaagad ding sinalubong nila Mommy at niyakap.
"You did great hija" pagco congratulate ni Mommy at ganon din naman si Nancy.
JEN'S POV
"Good morning everyone! Waaaah!" Bulyaw nila Dahyun at Sana nang pumasok sa kwarto namin. Agang aga nambubulabog.
"The hell! Ang ingay nyo!" Inis na sigaw ko at napatalukbong nalang ng kumot.
"Gising na Jen! Chu! Chaeng!" Paulit ulit na sigaw nila.
"Ang ingay!" Reklamo din ni Unnie na nakahiga sa tabi ko kaya't napatingin pako sa kanya dahil nakatalukbong din sila ni Chaeng.
"Wtf unnie!" Gulat kong sigaw nang makitang wala na syang tshirt at ganon din si Chaeng. Agad akong napatayo at sarkastikong tumingin sa kanila.
"B-bakit?" Taka nyang tanong at naupo habang nakatakip pa din ng kumot.
BINABASA MO ANG
11:11
أدب الهواةThis is the sequel of my first book Reincarnated Dream, you can read RD to better understand the story. As time passed, Lisa still can't get over about what happened in her dream. She was experiencing some weird changes which resulted her to enter a...