PROLOGUE

12.7K 231 28
                                    

With my trembling hands, I tried to get the orders of the new investors of the hotel. Hindi ako makatingin ng diretso sa aking harapan dahil sa mariing titig ng isa sa mga bisita. I am trying so hard to keep my composure pero alam kong sobrang nanginginig na ang kalamnan ko.

"Ms. Can you please add extra sugar and creamer for my coffee please." I even flinched a little bit when I heard another order.

I swallowed hard before answering. "Yes Sir, what else po?'

Pagkatapos kung magsalita ay kusang bumalik ang mga tingin ko sa kanya, na ngayon ay nakikipag-usap na sa katabi niyang babae. Is she an investor? Or probably his girlfriend?

Pagpasok palang nila kanina ay sila na ang nag-uusap at nagtatawanan. The girl is touchy too. They are so engrossed with their conversation, animoy silang dalawa lang ang tao sa table nila.

"Ms. Martin, that's all."

Agad na binalik ko ang tingin kay Mr. Villanueva na siyang nagmamay ari ng hotel na kasalukuyang kong pinagtatrabahuhan. Agad naman akong tumango at inulit muli ang kanilang orders.

The main branch of this hotel is located in NCR, but one of the best reviewed branches is here in Ilocos Sur. Ito ang pinakamalaking hotel dito sa Ilocos Sur, located in the city of Vigan at the famous Calle Crisologo.

The hotel is a mixture of modern and old Spanish houses. Puno rin ng antique and pinaka lobby ng hotel na para bang nasa isang museleo ka lamang. Sigurado akong mahal ang mga ito dahil halos buong hotel ay puro kahoy ang disenyo na inangkat pa sa isang bansa. It is almost made of premium hardwood which made it one of the most popular hotels in the country.

"I'll be back in a few minutes with your orders, Sir."

After which, I exited immediately. Pagpasok ko palang sa counter ay agad na akong sinalubong ni Maxie, isa sa mga kasamahan kong waitress sa resto.

"Oh my god girl ang swerte mo! Nakatuka ka sa table nila Sir, nakita mo ba si Mr. Sandro? Ang gwapo jusko, pag ako ang nasa pwesto mo baka naihi na ako sa kilig. Tanginang mukha yan...." Tuloy-tuloy pa ang pagsasalita niya pero nilagpasan ko na siya.

Agad naman akong sinalubong ni Sir Winston, ang general manager namin.

"Sir, here is the list po ng orders nila." Agad kong binigay Sir Winston ang listahan dahil alam kung sila na ang mag aasikaso ng mga bigatin naming panauhin. They are VVIP's at kasama pa ang CEO namin kaya ramdam ko ang tension at pagkabahala ni Sir Winston.

"You can standby for a moment Sevie. Ako ng bahala sa orders nila, just wait for my further instruction."

"Yes, Sir." Agad naman akong bumalik sa gilid ng counter at naghintay.

Maxie just finished serving her table and immediately went into me, and she is just very giddy with the current situation. Kung sobrang kaba at hindi na makahinga si Sir Winston, halos mangisay naman si Maxie sa kilig.

"Naku girl malayo palang tingin ko mabubuntis na ata ako!" halos bulong niya tenga ko pero ramdam ko naman ang kilig at pagpipigil niyang sumigaw.

Kung wala lang kami sa duty siguro ay kanina niya pa ako natampal ng natampal sa sobrang kilig. I cannot blame her though, he looks more handsome now. Much darker but it suits him right. 

His squared jaw became more prominent, his pitch black eyes became more darker, na para bang hindi ka na makakawala kung hindi mo pa ibabaling sa iba ang iyong tingin. His aura intensified and became more menacing as well. No trace of the old Sandro that I have met during my college days.

And I am sure his business boomed as well. Sobrang yaman na nila dati but I know him, with or without his family business, he can start from scratch and do his own thing.

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now