Chapter 20

3.6K 118 9
                                    

"Uhmmm mauuna na ako." Pagkatapos kong masabi iyon ay agad-agad akong lumabas ng sasakyan niya.

My cheeks are heating up so badly. I can feel it. I even had goosebumps and I want to slap myself so bad. Am I bad at timing? Mali ba ang pagkakasabi ko? 'Cause I left him there dumbfounded.

Agad akong pumasok sa coffee shop. Ni hindi na ako lumingon sa sasakyan niya.

“Good evening, Sevie.” Gerald is still here. He smiled widely at me.

“Good eve too.” Agad kong inayos ang mga gamit ko sa locker.

“May dali ulit akong pagkain, para sana sayo.” Again? Napalingon ako sa kanya.

Pinakita siya sa akin ang dala niyang lunch box. Umiling agad ako sa kanya.

“Pasensya na, katatapos kong kumain.” I dismissed him. Sinara ko ang locker ko at nagpunta ng ng c.r. para magpalit ng damit.

Sana wala na siya paglabas ko. I’ve had enough of him. Ilang beses ko na siyang tinanggihan. Ang hirap tibagin ng determinasyon niya.  Inayos ko na ang ponytail ko at handa ng lumabas.

But he was still there. Hindi ko alam kung magugulat ba ako o ano.

Tiningnan niya ako ng masama. I was quite shock when I saw him. Anger fueled his eyes.

“Dahil ba sa kanya? Yung mayamang lalake na sumundo sayo noong isang araw?”

Kinunotan ko siya ng noo. He suddenly became aggressive with his talking.

Hinarap niya ako. “Binigyan mo siya ng chance pero ako hindi?”

Nanlaki ang mga mata ko sa paratang niya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit at pagsalitaan ako ng ganito kasama.

He is fuming mad. He looks like he can hurt me anytime, but I know him. Hindi naman siya siguro aabot sa puntong mamimisikal siya. He looks kind most of the time, kahit na minsan ay nababahala ako sa mga tingin niya sa akin. Kaya ngayong galit siya ay halos hindi ko siya makilala. I have to talk to him calmly.

“Gerald ilang beses na kitang tinanggihan. I gave you a chance pero wala talaga. I already said to you that I do not have any interest with you aside from friendship.”

“Mayaman ba gusto mo, Sevie?” Maanghang niyang paratang sa akin. I can't believed his talking to me like this!

“No. He earned my trust and proved himself, Gerald.” Kalmado kong paliwanag. Tinapangan ko ang ekspresyon ko kahit ramdam ko na ang panginginig ng katawan ko.

Kabado na ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. He looked at me maliciously from head to toe. He licked his lips as well. His eyes mirrored something disgusting that I do not want to name.

“Talaga lang? O baka naman nagpagalaw ka na? Katawan niya lang habol niya sayo Sevie. Inosente ka at yan ang gustong-gusto ng mga lalake.”

He sounds like a creepy stalker at this point. Gusto ko siyang sampalin sa mga sinabi niya. I can't believed he just utter those words.

Wala siyang karapatan na diktahan ako sa kung ano ang gusto kung gawin sa buhay. O kung sino man ang magustuhan ko. Wala dapat akong planong magpaliwanag o patulan ang mga tanong niya kanina pero ramdam ko ang sobra niyang galit sa akin. And a part of me wanted to talk to him as well dahil narin sa hindi siya tumigil na manligaw kahit ayaw ko na.

“He doesn’t think of me like that. At wala ka na sa desisyon kong bigyan siya ng pagkakataon.” I walked past him. Nawawalan na rin ng pasensya sa usapan namin.

I can feel my body trembling. I need to get out of here. Bubuksan ko sana ang pintuan ng hindi ko ito mabuksan. I tried it one more time and had no luck. I can feel my body sweating and shaking, my heart palpitating. No it can't be!

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now