Chapter 1

6.2K 168 10
                                    

Ramdam ko ang tagaktak ang pawis sa aking noo at likod. Siksikan sa jeep at kabuwanan pa ng Marso. At kung minamalas ka pa naman, hindi ko mahanap ang panyo sa aking bag.

Tatlong beses na akong naliligo sa isang araw dahil sa sobrang init. Hindi na baleng madagdagan ang bill sa tubig, wala naman kaming masyadong gamit sa apartment bukod sa isang electric fan at maliit at luma ng refrigerator na nabili lang namin ni Gracie sa junkshop.

"Pwede pa dito sa kabili, pausog na lang ng kaunti ganda".

Halos mapairap naman ako kay manong driver dahil sa kanyang sinabi. Siksikan na dito sa jeep at para na kaming sardinis sa loob, pero magdadagdag pa?

Napilitan akong iusog pa ng konti ang katawan ko para makaalis na ang jeep. Nasa tatlong kilometro ang layo ng unibersidad ko sa apartment namin ni Gracie, kung pwede ko lang lakarin ay ginawa ko na, pero hindi pwede, masyado akong pagod kahit umaga palang.

Galing pa ako sa night shift ko sa isang coffee shop na malapit sa amin. Mahirap pero dahil ilang taon ko narin din itong ginagawa, nasanay na ang katawan ko. Isang taon na lang at gra-graduate na kami pareho ni Gracie.

Business Administration ang kinuha naming kurso, at pareho ring scholar. Kailangan lang namin ma maintain ang grades namin, at dahil pareho rin kaming grade conscious at masipag mag-aral ay kinakaya naman naming pareho.

Pagkababa ko ng jeep sa back entrance mismo ng eskwelahan ay agad akong humugot ng malalim na hininga. Halos hindi ata ako huminga sa loob ng jeep sa sobrang siksikan.

Pagtingin ko sa mumurahin kong wrist watch ay agad akong nataranta ng makita kong mag a-alas nuwebe na. Nine AM ang pasok ko every Thursday at Tuesday at 10AM for MWF. Hindi kami magkablock ni Gracie at baliktaran rin ang aming schedule sa umaga. Nagkikita nalang kami pagdating sa apartment at may iba rin siyang trabaho.

Lakad takbo na ang ginawa ko para lang makaabot sa una kong klase. Ramdam ko na ang pawis sa buong katawan ko pero wala na akong oras mag-ayos pa ng sarili.

Bakit ba kasi laging terror na teachers ang first schedule sa umaga? Halos mapamura ako ng makitang wala pa si Mrs. Cuyugan sa classroom. Agad akong pumwesto sa upuan ko at sinubukang hanapin ang kanina pang hindi ko mahanap-hanap na panyo

"Taray naman ni Sevie, sobrang ganda parin kahit pawisan na." Napangiwi naman ako sa turan ni Andrea na nasa teacher's table.

Dumikit na nga ang ilan kong buhok sa aking batok at sa aking mukha. Halos naligo na ako sa pawis at nagawa niya pa akong kantyawan. Napailing at napangisi na lamang ako sa kanyang papuri.

"Anong secret mo Sevie? Share mo naman para hindi lang ikaw ang maganda." Halos matawa naman ang buong klase sa mga salita niya.

Halos mayayaman ang nag-aaral dito at ilan lang kaming mga scholar. Pero kailanman, hindi ko naranasan na makutya dahil sa mahirap lang ako. Bukod sa may pagka matalino rin ako ay talagang mababait ang mga kaklase ko na siyang pinag pasamat ko na rin.

"The only thing that will save your face Andrea is a whole face plastic surgery, get that?" Ani ni Matthew na katabi ko lang na upuan.

Andrea gasped loudly, at galit na tumingin sa aking katabi.

"Excuse me Mr! Maganda ako, baka ikaw nga may crush sa akin! At kung makalait ka naman, bakit? Magkasing gwapo ba kayo ni Sandro? Kung siya hinulog ng langit, ikaw tinapon ni satanas mula sa impyerno." Sabay irap at hampas pa nito sa lamesa.

Araw-araw ganito ang eksena at asaran ng dalawang ito, at nasali na sa routine nilang pareho and insultuhin ang isa't-isa.

Napuno ng tawanan ang klase dahil sa dalawa, looking at them, baka sila pa ang magkatuluyan kung sakali. Mula first year ay hindi na kami nare-shuffle kaya kami na ang magkakasama sa simula palang. Naging komportable na kami sa isa't-isa kaya naman nakagaanan ko rin ng loob ang karamihan sa kanila.

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now