Nasa tricycle palang ako pero ramdam ko na ang kaba. Alas nuebe ang pasok ko at may tsansang mag bre-breakfast pa lang ang mga guest ngayon sa hotel. The chance of seeing him there is high. Pero sana lang huwag na silang bumaba ng girlfriend niya room nila. Him and her girlfriend should eat their breakfast in their room.
Napatampal na naman ako sa mga iniisip. Bakit napasok na naman sa usapan ang girlfriend niya. Stop it Sevie!
I inhaled deeply as I entered the backdoor for us employees. Nanginginig ang tuhod ko pagpasok, praying that he is not there sitting in the resto at all.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong nadatnan na Sandro sa dining. Pero kaagad ring bumalik ang kaba ko na baka kahit anong oras ay pwede siyang dumating. Kailangan kong maging alerto para maiwasan ko siya kung sakali.
"Sevie!" Nagulat ako ng biglang magsalita sa gilid ko si Maxie.
She laughed at my reaction habang nakahawak pa rin ako sa dibdib ko.
"Kakina ka pa kasi hindi mapakali dyan. Ano bang meron?"
It was in the protocol na iwasan ang pakikipag-usap sa mga co-workers mo during work hours, specially during peak time. Hindi bawal pero dapat iwasan. But lunch time is almost over, so I think it is fine? Hindi pa kami nagkakausap mula kanina dahil pareho kaming naging busy.
Napaiwas ako ng tingin. "Wala."
I am actually eyeing the entrance if he would suddenly barge in. Pero tapos na ang lunch at wala pa siya. And I thank god for that.
"Wala si Sir Sandro. Kahapon, nandito naman yun maghapon. Ginawang office ang veranda. Hanggang ngayon nga nakareserve ang isang parte ng veranda para sa kanya. Umalis lang siya saglit ng lunch at bumalik rin kaagad." Maxie ranted beside me.
Now that is the information I needed.
"Hmmm..." I act like it was an uninteresting thing for me. Pero sa kaloob looban ko, nagpaplano na ako kung paano siya maiiwasan. Lalo na at sinabi niyang maghapon siya dito kahapon.
"Pero kasama niya sekretarya niya. Akala ko nga makakalapit na ako sa kanya kahapon pero ginawa niyang waitress yung secretary niya." She lamented.
"Ni hindi nga ako maka sulyap kasi sa pinakadulo at pinakasulok na veranda siya puwesto."
Nagdiwang ang loob ko sa sinabi niya. He is with his secretary. At walang pwedeng lumapit sa kanya bukod sa secretary niya? Now that is really good news for me. Hope that would be the case until he finished his stay here in Ilocos. Pero hindi niya kasama girlfriend niya dito kahapon? Maybe that wasn't his girlfriend?
The heck I am thinking again? Hindi ko na dapat iniisip ang parteng iyon ng buhay niya.
We got busy later on with the tables. Tumingin ako sa wrist watch ko pagkatapos kong malinis ang mga table sa pwesto ko. It is already 3:30PM. Tumayo na ako sa gilid malapit sa entrance. I'll just wait for other customers to finish their food. I looked at Maxie at palapit ulit siya sa akin, natapos na rin siyang maglinis sa pwesto niya.
Palapit pa lang siya sa akin pero bigla siyang napahinto at nanlaki ang mga mata sa may entrance. Kaagad siyang tumabi sa akin.
"Nandiyan na si Sir Sandro!" She excitedly informed me.
Nagyelo ako sa kinatatayuan ko. I suddenly can't move my body at all.
"Pero kasama na naman niya ang lalakeng sekretarya niya." Bigla siyang nawalan ng gana.
I finally looked at my side, at the entrance. At nandoon nga siya. Nagtama ang mga mata namin habang may kausap siyang lalake. I shivered when our eyes met. Biglang huminto ang paligid ko. He was not angry, but his eyes had no emotion. Mas nakakatakot tingnan kapag ganito ang mga mata niya. Napalunok ako ng malalim.
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
RomanceShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.