Ngayon lang ata tumama ang kahihiyan sa katawan ko. He looks so out of place in our small table! He's tall but not bulky. Sumakto ang mga muscles niya sa katawan. Probably because he is active with his sports as well
We started eating. Lalagyan ko na dapat siya ng ulam at kanin ng naunahan niya ako. Una niyang linagyan ang akin.
"Is this enough?" He softly asked.
Tumango lamang ako sa kanya kahit marami siyang linagay na kanin sa pinggan ko.
Puwede na kaming magunaw sa sobrang titig sa amin ni Gracie. Sinamaan ko siya ng tingin ng makita ko siyang ngumisi sa ginawa ni Sandro. She's obviously enjoying the moment.
Tumikhim siya kaya maging si Sandro ay napatingin sa kanya.
"So, alam mo bang ikaw ang unang dinala ni Sevie dito sa bahay?" Gracie smiled teasingly at me.
"Yes." Tipid na sagot ni Sandro.
"And it only means that you are the first one to officially court her." She added. Ramdam ko ang tensyon kay Gracie pero hindi kay Sandro. He looks so relaxed and almost homey.
Tumango si Sandro. Magsasalita pa sana ulit si Gracie ng maunahan siya ni Sandro.
"Do not worry, I don't have any bad intentions." Tumingin sa akin si Sandro kaya napababa ako ng tingin.
"Really, huh?" Gracie smugly smiled at us.
"Well, ang gusto ko lang namang sabihin ay, sa oras na masaktan si Sevie ng dahil sayo, I will make sure I'll bring hell to you."
She seriously said it. Pero hindi ko mapigilang ngumiti sa banta niya.
Sinamaan ako lalo ng tingin ni Gracie sa ginawa ko. Tumango lamang si Sandro sa banta niya, hindi man lang natinag.
"I'll bring hell with me too if I did something bad to Sevie. I won't hurt her in any form" He calmly said.
Agad naman akong namula sa sinabi niya kaya mas lalo akong sinimangutan ni Gracie.
"Ano ba yan, kinikilig ka na naman! Bawal marupok!" Nakasimangot niyang saad sa akin.
I immediately composed myself when I felt him staring again. I felt like these past few days, I always feel giddy when I'm with him. Like even doing little things with him excites me to the core. Is this even normal? I have never felt this feeling for someone.
"Ok, all good. Mabuti at nagkalinawan na tayo." Gracie then concluded and started eating her meal.
We had our dinner at nagustuhan naman ni Sandro ang ulam. Wala ngang masyadong sahog na karne pero okay lang. Kumain rin kami ng dala niyang yema cake. When he said that he baked it before coming in here, mas lalo akong inasar ni Gracie sa harapan ni Sandro mismo. His baking skills leveled up so quickly. Pwede na siyang magtayo ng sarili niyang bakeshop pag nagkataon.
Lahat nalang ata ng galaw ni Sandro na konektado sa akin ay minamata ni Gracie. Kapag sinisita ko naman ay lumalala lang ang mga pang-aasar niya. Overall, we ended our dinner peacefully, aside from Gracie's constant teasing.
Mga alas dies na kami natapos. I insist na umuwi na siya kaya ihahatid ko na lamang siya sa may gate. May pasok pa naman kami bukas. Malapit narin ang finals namin at graduation naman ang kanila. We will be both busy these coming weeks for sure.
"You should rest." I reminded him again when we reached his car.
Tumango siya sa akin. Mabuti nalang at wala na ang mga tambay sa kalsada.
"You should go. Magmamaneho ka pa." I looked at him in the eyes. His eyes are always glimmering something when he looks at me. Kaya hindi ko kayang tumitig sa kanya ng matagal.
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
RomanceShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.