Chapter 30

3.8K 103 4
                                    

Tita Lina gave me time to recover, may isang buwan akong bakasyon sa kanya at may bayad lahat iyon. Gustuhin ko mang pumasok na kaagad ay hindi ko rin magawa dahil sobra akong napagod nitong mga nakaraang linggo. It' been days at wala paring nagbago sa amin ni Gracie.

She was supposed to work today and the past few days but she did not go, matamlay pa rin siya at madalas ay nagmumokmok lamang sa kanyang kwarto. Mabuti na lang at wala ng klase. We both deserve a break, mabuti na lang at magaling kaming mag ipon pareho.

Katatapos ko lang magluto ng dinner namin at hindi pa siya lumalabas. Hinanda ko na lahat ang ulam namin at siya na lang ang kulang. I sigh heavily before proceeding to her door.

"Gracie kumain na tayo." Malumanay kong sambit

Naghintay ako saglit at wala pa rin siyang responde kaya unti-unti ko ng binuksan ang pintuan niya. I told her not to lock her room, kinakabahan kasi ako ngayon sa kalagayan niya. She was sulking in her room

Naupo ako sa tabi ng kama niya at hinaplos ang kanyang buhok. Umupo siya sa kanyang kama, galing na naman siya sa pag-iyak.

"I want to see him." She said it in a weak voice.

Agad na nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya, nanubig rin ang mga mata ko. I caressed her hair and nodded at her.

"Tama ka, ama ko pa rin siya at anak niya ako." Iniwas niya ang tingin sa akin na parang nahihiya.

Marahil ay marami pa ring gumugulo sa kanyang isipan. At hindi ko siya masisisi sa parteng iyon, bago ang lahat sa kanya ang mga ito at hindi na rin niya siguro naisip na posible pa palang may makikilala siyang ama.

"Masama ba akong anak sa ginawa ko?" Tanong niya sa akin.

"Hindi. Your feelings are valid, palagi mong tatandaan yan. Nasaktan ka lang, but the fact that you are willing to give him a chance only shows that you are strong enough to accept him again and to eventually forgive him." Paliwanang ko.

Agad niya akong dinamba ng yakap at umiyak ulit. Napatawa ako sa reaksyon niya habang naiiyak na rin.

I am just proud of her decision. It wasn't an easy one but she is willing to give his father a chance, that is already a huge deal. Masaya ako para sa kanya.

That night, we had our dinner peacefully and happily, she was full of life after that. She contacted her Auntie Letty and we agreed to meet her at a restaurant near us to talk about it. I am happy for her. Truly happy for her.

"Sevie kinakabahan ako, sinigawan ko siya noon sa apartment." She can't settle in her seat.

Hinihintay na lang namin ang pagdating ni Auntie Letty. She reserved a private room for us to talked, nasa isang filipino resto kami na malapit lang sa amin.

Tumawa ako ng bahagya sa kanya. "I am sure she is very delighted right now."

Nasa gitna pa kami ng pag-uusap ng bumukas ang pintuan. We both looked back and saw her Auntie Letty. Maluha luha siya ng lumapit siya sa amin.

She smiled at me first and I smiled back. Napunta ang tingin niya kay Gracie at hindi na niya napigilang mapaluha sa pamangkin niya.

Agad na patakbong yumakap sa kanya si Gracie. They were both crying as they hugged tightly each other. Napaluha na rin ako sa nasaksihan. Gravie deserved a family so much.

"Sorry po." Hagulgul ni Gracie.

"Okay lang anak. Okay lang. I should be the one saying sorry, we won't waste the chance you gave us." They hugged for a few moments more until they settled themselves.

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now