After answering him, he just stood there. We both stared at each other. Nang hindi ko nakayanan ay umalpas ang isang ngiti sa aking labi.
"Then I can't wait to finally hear your 'yes'." He said seriously.
Him courting me is already unimaginable for me, and here he is, telling me that he can't wait anymore to be in a relationship with me. My heart could explode with too much happiness right now.
Napatingin ako sa wrist watch ko at agad akong napatayo. Kailangan ko ng umuwi, malapit ng mag alas nuebe. Paniguradong hinihintay na ako ni Gracie kahit pa nag-iwan ako ng note.
"I'll drive you home." He volunteered while we entered the elevator.
Hindi puwede! Marami na ngayong tambay sa kanto namin at baka matsismis pa ako ng wala sa oras. At isa pa, kailangan ko pang sabihin kay Gracie ang tungkol sa kanya bago siya makaapak sa amin. Hindi rin nababagay ang mamahalin niyang kotse sa daanan namin.
Agad akong umiling. "Hindi na. Malapit lang naman sa amin."
Kahit dalawang sakayan pa ng jeep ang kailangan. Kumunot ang masungit niyang mukha sa sagot ko. Akala ko susunduin niya ang sinabi ko katulad ng unang beses niya akong inalok.
"I am courting you now, it is normal for me to drive you home. To keep you safe." Namula ako sa mga salita niya.
He is really courting me now. Mas iniling ko ang ulo ko.
"Hindi ko pa nasasabi kay Gracie tungkol sayo kaya hindi pa pwede." Bakit ba lumiliit ng kusa ang boses ko kapag kasama ko siya?
Huminga siya ng malalim. Tila hindi kumbinsado sa mga rason ko.
"Then, I'll drive you home and introduce myself to her." Mas lalo akong nagulantang sa suhestiyon niya.
"Wag na!" Napalakas bigla ang boses ko. Kapwa kami nagulat. Napatawa ako ng pilit.
"I mean, ngayon lang ako may pinayagan na manligaw sa akin kaya medyo big deal iyon kay Gracie. Kaya ako nalang muna magsasabi." Sobrang lumanay ng pagkakasabi ko
He smirk at me, like he just discovered something amusing again. I was not expecting that he have this side of him. Dahil sa halos madalas niyang kunot-noo lang naman ang natatandaan ko sa kanya. Parang palaging galit o walang pakialam.
And seeing his smirk right now, I can't believe I have the chance to see his other side.
"I am the first, huh?" Ang sarap niya palang bigwasan kapag ganito ang tono ng pananalita niya. Ano naman ngayon kung siya ang una?
"Why Sevie?" He continued provoking me.
Tumunog ang elevator. Saved by the bell. Sa wakas na sa baba na kami. That was my longest ride. Masikip rin ang pakiramdam sa loob kahit sobrang lawak naman ng elevator at hindi naman kami masyadong magkalapit.
Ako ang unang lumabas, sumunod siya sa akin. Nang makita siya ng mga empleyado ay agad siyang binati ng sunod-sunod. I looked back and he just nod at them. Suplado talaga, hindi man lang makangiti.
Nakita ko rin ang manager kanina at nginitian ko lang, maging ang unang receptionist kanina na nakausap ako. She smiled shyly at me.
Sumabay siya sa akin hanggang sa labas. Nasa gilid na kami ng kalsada ng biglang may lumapit sa kanyang tauhan nila.
"Sir, kukunin ko na po sasakyan niyo?"
"No need. Hindi ako lalabas." Agad na umalis ang tauhan niya. Why is he so different? He is too cold and masungit.
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
Storie d'amoreShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.