"Nanay, hindi na po ako hinihingal kapag naglalaro." Yesh suddenly blurted it out while we were eating breakfast.
Napatingin ako sa kanya. I know this scene already. May takot pa rin siya sa mga hospital. We've been there many times before but up until now, takot parin siya. She always says that she is fine kapag araw ng check up niya, at ngayon yung araw na iyon, kaya nag leave ako sa trabaho. And it is her way of convincing me to not attend our appointment. Hindi ko maiwasang maawa kapag ganitong pagkakataon pero kailangan pa rin para mamonitor namin ang kalusugan niya.
"Yeah, but we still need to go." Thiago was the one who answered her.
Napasimangot naman si Yesh. I smiled at the scene. Even Thiago knows how scared she is, kaya kahit ayaw ko siyang isama sa hospital ay nagpupumilit rin dahil gusto niya daw makasama ang kambal niya.
They are fraternals. Yesh looks are more on my side while Thiago got it all from his father. But they both got his eyes. Big dark orbs. While Yesh got my long wavy hair, Thiago got his fathers healthy black dark hair. Kaya minsan ay hindi ko maiwasang haplusin ito ng haplusin. It just looks so healthy and bouncy.
Pagdating naman sa ugali. Thiago is more snob, parang sa tatay niya rin. He wouldn't make conversation with someone he doesn't know, o kahit magkakilala na kayo. He won't start a conversation at all. At kung ikaw naman ang magsisimula, he will only answer in few words at titingnan ka ng walang interes. Masungit talaga.
But of course, marunong pa rin naman siyang maglambing sa amin, her Lola Lorna and Lolo Vicente, and he is protective of me and Yesh.
While Yesh is just the sweetheart. She can talk to anyone. Kaya palagi ko siyang sinasabihan na huwag makipag-usap sa mga hindi namin kakilala. And I would always tell Thiago to protect her sister. They are just perfect for each other. Magkasalungat man pero palagi nagkakasundo sa mga bagay-bagay.
"Diba minsan na lang naman tayo magpunta sa hospital? And it is just a regular check up baby. Wala ng masakit okay?"
She looked at me sadly. She pouted her bow shaped lips. At paunti-unti ring tumango. I ruffled her hair and she continued eating.
After which, naghanda na kami. Pinaliguan ko muna sila bago ako naghanda. They insist on bathing themselves pero wala akong tiwala. Maglalaro lang sila ng tubig.
Pagkatapos ko silang maayusan ay ako naman. I already take my back early in the morning at maghuhugas na lang ako ng mukha. Ganon talaga kapag naging ina ka na. Mawawalan ka ng oras sa sarili mo kaya dapat mas maaga kang gumalaw.
Kaagad kaming nag-abang tricycle sa labasan. Gusto ko sanang bumili ng electric bike pero takot ako at baka mapahamak lamang kaming tatlo. Gracie insisted on buying a car instead at doon ako tumanggi, hanggang ngayon isa pa iyon sa mga pinag-aawayan namin kapag napupunta ang usapan sa sasakyan. In the end, mas mabuti na lang na magcommute kaming tatlo.
Ilang minuto lang ang biyahe at nakarating na kami. Kaagad kaming pumunta sa office ng doctor ni Yesh. Kaagad kaming nakita ng sekretarya ni Dr. Salvador sa bungad pa lang.
"Good morning, Ma'am Sevie!" She greeted us as we neared her table outside the office.
"Good morning, Yesh and Thiago!" Baling naman niya kaagad sa kambal. We smiled at her.
"Good morning too, nandito na si Doc?" We settled ourselves and sat at the waiting area near her table.
Tumango ito sa akin. "Malapit na pong matapos ang unang pasyente, susunod na po kayo."
Napatingin ako kay Yesh ng bigla siyang yumakap sa braso ko. Kaagad ko siyang nilipat sa kandungan ko. Pabigat na sila ng pabigat at pahirap na pahirap na silang kargahin. She settled on my chest as she hugged me more. Napangiti ako at hinaplos na lamang ang kanyang mahabang buhok.
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
Roman d'amourShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.