"Anong ginagawa mo dito?" Agaran kong tanong ng makalapit sa kanya.
Hindi niya ako napansin na nakalapit na dahil nakatingin lang siya sa apartment namin. Tila hinihintay ako kung lalabas ba ako ng apartment o hindi.
Napatayo siya ng maayos sa tanong ko. He looked at me for few seconds, wala namang lumalabas na salita sa bibig niya. He looks so exhausted. Nakasuot pa siya ng suit, galing ba siya ng party?
Napataas ang kilay ko sa titig niya at saka siya huminga ng malalim, tila ba isa akong malaking problema sa buhay niya.
"You should visit Sandro, birthday niya ngayon." Walang gana niyang sabi.
Napababa ako ng tingin sa sinabi niya. Nahihiya na rin ako sa kanya dahil sa mga nangyari sa amin ni Sandro, or more on sa mga ginawa ko sa pinsan niya. At para saan pa ang pagbisita ko?
"Why would I?" Mahina kong sambit habang nakatingin pa rin sa baba.
"Cause why not?" Balik niya sa akin.
"Wala na kami ng pinsan mo." Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko.
"He said it was a cool off. Not a break up." Sarkastikong sumbat niya sa akin
"Parang ganoon na rin iyon." Masungit kong sumbat sa kanya.
"At saka isa pa, may bago nang pinopormahan ang pinsan mo." Ako naman ngayon ang medyo galit na ang tono sa usapan namin.
He scoffed at me. Napakamot siya ng ulo. "Here you go again, natanong mo ba siya kung ano sila ng sinasabi mo? And you are the one who asked for a cool off."
"Exactly, I don't care what he does anymore, cool off or break kami, it doesn't matter. He is free." Lalagpasan ko sana dapat siya ng bigla niyang hinablot ang braso ko.
"Talk to him or he'll go insane." May pagbabanta ang boses niya sa akin. Binitawan niya rin ang braso ko.
"He doesn't even know your reason why you suddenly asked for a cool off." Maliit ang boses niyang sabi.
Doon ako nabalik sa realidad. Ang rason kung bakit gusto ko ng makawala sa kanya. I sigh heavily, hindi niya pa ako lubusang kilala. Kung makikilala niya ako ng tuluyan, siguradong siya na ang kusang lalayo sa akin. Mas masasaktan kami pareho, I felt like I am fooling him now. Dahil lang sa nakaraan ko at sa mga nagawa ngayon ng pamilya ko sa babaeng nalilink sa kanya ngayon.
I am sure that once he knew my connection with the people who hurt his Grandma, maglalahong parang bula ang nararamdaman niya sa akin. Ayaw ko ng palalimin kung ano man ang meron kami. Bukod pa sa dahilang sobrang layo ang agwat ng pamumunay namin.
"You are overthinking things again. You think his love for you was shallow. Try opening up things to him, hindi mo pa alam ang sagot niya pero pinapangunahan mo na siya. You are really terrible, Sevie. Just very terrible." He said it like I was the dumbest person here on earth.
Napamulagat ako sa sinabi niya. He has a point. But is it enough? Hindi ko pa nga nakakausap ng matino sina Tiya. I need to clear things first with them, dahil sa totoo lang, ayoko ng maugnay sa kanila.
But I am afraid of the future, paano nalang kung matuklasan nila na may kaugnayan ako sa mga taong nanakit sa pamilya niya at nauugnay sa ibat-ibang krimen. Malayo na nga ang agwat ng buhay namin, lumaki pa ako sa poder ng mga illegal ang gawain, sobra-sobra na kung masisikmura niyang ang tunay kong pinanggalingan.
Umiling ako kay Gaston, my eyes getting watery with each realization.
"You are just being selfish. Takot ka lang sa sarili mo." His tone was hard as he said it.
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
RomanceShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.