Hindi ako nakatulog ng maayos. Paulit-ulit na nagreply sa utak ko ang mga nangyari kahapon. Kinapa ko ang cp ko sa ilalim ng unan at tiningnan ang orasan, six palang ng umaga.
I decided to wake up already. I went outside at napagpasyahang maligo na lang at magluto ng breakfast.
I was in the shower and can't still processed that I have encountered him. Halos sabunutan ko ulit ang sarili sa salamin habang nakatitig sa sarili. Kaunti na lang at alam kong mawawala na ako sa tamang pag-iisip.
I will break all the rules that I've set for myself if I let this feeling grow on me. And if that happen, I won't be able to save myself from all the consequences of my actions.
Nagbihis muna ako ng pambahay para simulan na ang pagluluto. Magpapalit nalang akong uniform pagkatapos kung kumain.
It is already seven when I finished to do all the cooking. Nagdagdag na rin ako ng baon ko mamayang lunch. I stopped packing ng naisip ko kung posible bang makita ko ulit siya mamaya sa library. Maybe not? What if lumiban mo na ako sa pagtambay doon? Again, I felt like I am overthinking things again.
Pagpasok ko sa kwarto ay siya namang paglabas ni Gracie sa kanyang silid. Pupungas-pungas pa siya, at katulad ko, puyat din siguro. Mas maaga ang klase niya ngayon pero nauna parin akong naligo dahil ramdam ko sa sarili kong hindi na ako dadalawin ng antok.
"Morning, Sevie. Bakit ang aga mo ngayon?" Papikit-pikit pa siya habang papunta sa kitchen.
Maliit lang ang apartment, open space kaya pagpasok palang ay kita na ang maliit na sala, kitchen, at ang dalawang pintuan ng kwarto.
"May gagawin lang ako sa school." Tuluyan na akong pumasok sa kwarto para magbihis.
Sasabihin ko ba kay Gracie ang mga nangyari? I felt like I have to. Siya ang lubos na nakakakilala sa akin, she can provide me some advice. Napapikit ako ng mariin. I have to.
Pagkasuklay ko ng buhok ay agad akong pumunta ng kitchen. Naabutan ko si Gracie na nagkakape habang hawak nito ang kanyang cellphone. Nagsalin muna ako ng tubig bago hilain ang katapat niyang upuan.
Pabilog ang upuan naming lamesa. Kasya lamang ang tatlong tao. I cleared my throat which caught her attention. I looked at her seriously. Agad rin naman siyang naging attentive.
"Gracie..." Panimula ko, my voice trembling a bit. She eyed me curiously.
Tinabi niya ang hawak niyang cp. "Bakit?May problema ba?" She gave me her full attention. Naging kabado na rin ang kanyang itsura.
"Ano..." Okay, ganito nalang, pag nakita ko pa siya mamaya sa library, sasabihin ko na lahat kay Gracie ang mga interaksyon namin. Malay ko kung coincidence lang lahat nangyari kahapon. Maybe he's just too kind to offer me the chocolates and asked me if he could drive me home?
"Mangungutang ako sayo kahit isang daan lang. Promise babayaran ko rin bukas, nagmadali kasi kahapon kaya hindi ko na nakuha suweldo ko." Party true, nakalimutan ko talaga kunin sweldo ko kahapon sa dami ng iniisip ko patungkol sa kanya. Pero may pera pa naman ako.
I gave her a small smile. Sinapo niya ang kanyang dibdib, tila ba nawala ang mabigat na pasan.
"Pinakaba mo naman ako Sevie! Akala ko kung ano na, akala ko ginugulo ka na naman ng tiyuhin mong gago!"
Sa sinabi niyang yun ay agad na nablangko ang isip ko.
"O siya yun lang pala, kahit isang libo pa Sevie okay lang." She wiggled her brows at me. Natawa na lamang ako ng kunti sa reaksiyon niya.
Sabay kaming kumain ng breakfast. But I can't help but to think of what she said patungkol sa tiyuhin ko. They are not bothering me anymore. Magdadalawang taon na rin siguro.
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
Любовные романыShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.