Chapter 46

4.3K 131 17
                                    

I did my groceries at nagpunta na rin ako ng wet market. Saktong pagdating ko sa bahay ay malapit ng mag 9:30. Sana sinabihan ko pala si Sandro na kailangan mag merienda ng mga bata.

Pero pagpasok ko palang sa may gate ay nakita ko na silang kumakain sa may garden. May outdoor table kasi doon at upuan. Hindi rin mainit dahil may maraming puno sa paligid.

"Nanay!" They both shouted when they saw me.

Nakaligo na rin pala ang dalawa dahil bagong palit na sila ng damit at medyo basa pa ang kanilang buhok

I smiled at them at lumapit sa kinaroroonan nila. "Tatay ordered this cake for us, and you have one too, and it's your favourite."

"And naligo na rin po kami. Tatay baths us." Yesh shared happily.

I looked at Sandro and he started helping me with the groceries. "Wag na---"

"It's fine, Sevie. Please let me." Tinuloy-tuloy na niya ang ginagawa at hindi ko na napigilan.

Fine. He helped me carry the groceries inside the house. Tinulungan ko siyang isalansan ang mga binili ko sa counter at sa ref habang nanatili ang mga bata sa labas. Tahimik kami pareho na gumagawa.

"Do you want some cake?" Basag niya sa katahimikan.

I looked at him and closed the kitchen cabinet. "Oo, pero dito na ako kakain. Magluluto ako."

He nodded. "I'll get you one."

Magproprotesta pa dapat ako ng tumalikod na siya sa akin. I inhaled deeply. It's gonna be fine.

Hinuhugasan ko na ang manok dahil tinola ang naisip kong ulam namin ngayong tanghalian. I saw him walked in holding a plate of yema cake at linapag sa tabi ko

Napaiwas ako ng tingin. "Salamat." Of course it is my favourite.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga. "I can help you cook." Marahan niyang sabi. Nananantiya ang kanyang mga tingin.

"Huwag na, puntahan mo na lang ang mga bata." I said and continued doing my business.

I felt him left the kitchen after few moments at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Relax, Sevie. Calm your nerves.

Matapos kong mahiwa ang manok at saka naman ako nagluto ng kanin. Dito ba siya kakain? I think so? It is rude to not ask him to join so I just assumed that he would. Kung hindi naman, ako na lang ang kakain ng sobra mamayang hapon.

I cooked everything at natapos ako ng 11:00. May thirty minutes pa bago kami kumain. Hinugasan ko na lahat ng ginamit ko at inayos ang dining. Naglagay na lang ako ng apat na table mat at pinggan.

I looked again the clock at may sampung minuto pa. Pwede ko na silang tawagin.

Lumabas ako sa may garden at nadatnan ko naman silang ngayong nag-swiswing. They are all smiling as Sandro pushes it slowly. Tawa ng tawa ang mga bata. Sobrang aliwalas ng mga mukha nila

Lumapit ako. "Kakain na."

"Dito ka ba kakain?" I looked at Sandro.

"If it's fine." He softly answered.

Tumango ako sa kanya at kaagad siyang hinila ng mga bata sa kamay papasok sa bahay. I've never seen them this excited to eat. Sumunod na lang ako pagkatapos.

Sandro helped them wash their hands while I prepared the food on the table.

Kumain na kami at pinagitnaan nila si Sandro habang ako naman ang nakaupo sa kabisera. I watched my children eat with gusto. And I swear, I've never seen them eat their veggies this much! Ngayon lang!

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now