Chapter 16

3.6K 116 9
                                    

Ramdam ko ang puyat habang may klase. Mukhang puyat at pagod rin ang iba kong kaklase pero dahil iyon sa mga requirements, iba naman ang dahilan ng akin.

"Bakit maganda ka parin kahit puyat?" Tanong ni Rica habang nakasandal sa balikat ko. He looked so exhausted.

"Ako, kulang na lang ilagay sa kabaong para mag mukha na akong patay." Napatawa kami ni Andrea sa sinabi niya.

"Ano bang ginawa mong requirement kagabi, Sevie? You looked exhausted too." Andrea curiously asked after laughing.

Namula ako sa tanong niya. Partially true na may ginawa naman talaga ako. Binago ko ang ilan sa mga tanong sa interview, but the rest, inisip ko lang naman ang pagkikita namin ni Sandro mamaya. And I know, I am really with doom with that one.

"Wala, binago ko lang ang ibang questions sa interview." Palusot ko.

"May nagustuhan ka ng kompanya?" Singit ni Rica.

"Uhhmmm, oo." Sana naman huwag na nilang tanungin kung aling kompanya o sino.

"Anong kompanya? At sino?" Andrea immediately asked.

Napaawang ang labi ko kay Andrea. I just wished na sana huwag na silang mag-usisa and here it is!

"Go back to your proper sit class." Thank God. Saved by the bell.

Agad na tumalima ang mga kaklase ko at bumalik sa kanilang mga upuan. Mabuti nalang hindi terror ang sumunod naming teacher.

Ramdam ko ang kawalan ng konsentrasyon sa klase. Maging kaninang lunch ay wala akong masyadong gana sa pagkain. Mabuti na lamang at hindi na nag-usisa sina Andrea.

"Wala daw yung last prof natin mamaya, maaga tayong uuwi." Magiliw na saad ni Andrea habang kumakain kami ng lunch sa canteen.

"Maaga nga pero tatambay ako sa library. Kailangan ko pang hiramin ang isang libro sa taxation." Saad ni Rica

Then I can probably sleep before meeting Sandro?

"Samahan mo ako Sevie, please." Pakiusap ni Rica sa tabi ko.

"Sorry pero may gagawin kasi ako mamaya." Paliwanag ko, kahit ang gagawin ko lang naman talaga ay bumawi ng tulog kahit kaunti.

"Tanda-tanda mo na papasama ka pa, ano ka bata?" Asar ni Andrea sa kanya.

Umikot lang ang mata ni Rica sa banat ni Andrea. Napangiti naman ako sa asaran ng dalawa. They always keep my company. Bukod sa sila talaga ang pinaka close ko sa school, sadyang magkakavibes lang kami dahil sa pag-uugali nilang dalawa. Kung kumilos o magsalita sila ay para silang mga hindi tagapagmana ng kompanya.

Hindi ko alam ang mangyayari sa buhay ko sa kolehiyo kung wala sila ngayon. Lalo na at simula ng first year ay hindi na kami magkablock ni Gracie.

SUMALAMPAK agad ako ng higa ng makarating ako ng apartment. Alas kwatro palang at may tatlong oras pa ako bago maghanda sa pagkikita namin ni Sandro. Nagpalit nalang muna ako ng cotton shorts at white sando. Maliligo pa naman ako mamaya kaya okay lang.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-alarm ng alas siyete. Para siguradong magigising talaga ako, tatlong alarm ang sinet-up ko.

Hinagilap ko ang malaki kung unan na palagi kong yakap. Naramdaman ko agad ang mabilis na pag idlip ko pagkatapos.

Naalimpungatan ako ng maramdaman ang matigas na bagay na nakapulupot sa baywang ko. Nakaramdam rin ako ng haplos sa pisngi ko. Pati ang amoy ng unan ko ay nag-iba? Bakit parang mas bumango? Siniksik ko ang mukha ko sa unan pero bakit tumigas? Nahulog ba ako sa kama?

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Agad na bumungad sa akin ang mukha ni Sandro. Anong ginagawa ni Sandro dito? Agad na nanlaki ang mga mata ko ng napagtanto ang sitwasyon. Nakasubsub ako sa kanyang dibdib habang nakapulupot naman ang isang kamay niya sa baywang ko.

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now