Kaagad akong lumabas at nandoon na siya nakaabang sa akin. He is wearing his usual t-shirt, only the color varies, ngayon ay kulay asul naman. Napansin ko ang hawak niyang supot ng sikat bakeshop.
"Good morning. " He greeted me first. His voice is too serious for the morning.
"Magandang umaga rin. Kanina ka pa hinihintay ng mga bata." I smiled at him a little bit and I saw how he was taken back.
Umiwas siya ng tingin. Well, we already talked last night so everything between us should be at least fine and clear already, I guessed? Para sa mga bata?
"Tatay!" Napatingin ako sa likod ko ng patakbo ng lumapit sa amin ang kambal.
They are still wearing their pyjamas, and it's just six in the morning but they are already hyper.
Lumuhod naman si Sandro at kaagad na sinalu ang dalawa sa yakap niya. He easily lifted them up and kissed their cheeks as he greeted them on his good mornings.
I could feel my heart beating so fast as I watched them three together. I won't trade my children's happiness for anything, they just look so happy and glowing whenever their father is with them.
We ate our breakfast together. Magkakasya naman siguro ang ulam at kanin namin ngayon.
Siya ang umasikaso sa mga bata habang nakatingin lang ako sa kanilang tatlo. He looked so serious as he gave the twins their breakfast. Ganun ang naging sitwasyon hanggang sa matapos kaming kumain.
Nasa kwarto na ang mga bata nagpapalit ng damit ng nagpasya kaming mag-usap sa kusina.
"Uhmmm, maghapon ka ba dito sa bahay?"
Tumingin siya sa akin. "I'll be staying with the kids. You are going to work, right?"
"Oo, pero paano ang trabaho mo?" I asked him curiously.
"I cancelled them all already." He said it so casually.
Napamulagat ako sa sinabi niya. "Pero--"
"It's fine, Sevie. It won't hurt the company."
I fidgeted my fingers. He is the CEO, but it doesn't mean that he could just leave work that easily. Paano ang mga meetings niya?
"My cousins are there so it's gonna be fine. And they've been nagging me to take a vacation for a long time, so this is fine." He calmly explained like he already planned all of this.
Fine, pwede naman siguro pero hanggang kailan? Ayoko namang maabala palagi ang trabaho niya.
Maya-maya pa ay may linapag siyang lunch box sa harapan ko. Napatingin ako doon pagkatapos ay sa kanya.
"I..." Umiwas siya ng tingin at nakita ko kung paano namula ang pisngi niya.
"I cooked something for your lunch." He stuttered a little bit at ako naman ang namula ngayon.
Why did he even cook lunch for me? He doesn't need to do this. Sa mga bata okay pa, pero sa akin, wag na lang. At tsaka maayos naman ang pagkain namin sa resto.
Napatikhim ako. "Wag na. Nag-abala ka pa. Sa mga bata na lang."
Kaagad akong tumalikod sa kanya para kunin ang tumbler ko at para makaiwas na rin sa usapan namin. Narinig ko siyang huminga ng malalim at ang mga yapak niyang papalayo sa akin.
I continued getting ready for work while he was with the kids. I went to him again and explained everything to him. Nakaluto na ako ng lunch ng mga bata kaya wala na siyang aalalahanin. Ang problem ko na lang ay ang dinner nila dahil si Tita Lorna na ang gumagawa noon sa mga bata.
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
RomanceShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.