We finished our groceries around 8:30pm. Nasa pila na kami ng may makalimutan akong bilhin.
"Wait, nakalimutan kong bumili ng napkin, paubos na yung stock natin."
"Bilisan mo, malapit na tayo sa cashier." Baling sa akin ni Gracie pagkatapos ay tiningnan ang mga pinamili namin sa cart.
Agad akong tumakbo papunta sa isle ng women's section. Medyo kalakihan ang local grocery store na malapit sa apartment kaya kailangan ko pang takbuhin dahil nasa pinakadulong isle ito.
Maliit lang ang budget namin ni Gracie kaya naman ang pinakamurang brand lang ng produkto ang binibili namin. Agad kong nahanap ang brand ng napkin na kailangan ko, kaya lang ay nasa pinakamataas ito na parte ng shelves.
Tumingkayad ako pero hindi ko pa rin abot. I tried looking around for staff pero wala man lang akong mahagilap ni isa. Sinubukan ko ulit tumingkayad at iunat ng mabuti ang kamay ko ng may maramdaman akong presensya sa aking likod at inabot ang kailangan ko.
Nakahinga ako ng maluwag at magpapasamat sana pero natigil ako sa pag ngiti ng naharap ko na ang tumulong sa akin.
"Here." Linahad nito sa akin ang kailangan ko pero halos hindi ko man lang maiangat ang aking kamay upang abutin ito.
Sandro Gunner Esquivel is staring at me, holding my napkin, and waiting for my response. Him, holding my pack of napkins with his moreno skin and hairy arms made me realize how inappropriate it is for him to hold it.
I just realized how awkward my situation is. Hindi ko narin maangat ang tingin ko sa kanyang mukha. This is probably the most embarrassing moment of my life. Never have I imagined talking to him in this kind of situation. Sigurado akong sobrang pula na ng mukha ko.
I cleared my throat and tried to find my words.
"Salamat" simpleng bigkas ko sa kanya.
Agad kong kinuha and napkin mula sa kanyang nakalahad na kamay at agaran ring tumalikod at lumakad papunta sa direksyon ni Gracie.
I cannot helped but cursed myself with the situation! Nakakahiya! Sobrang nakakahiya! Ano na lang ang ihaharap ko sa susunod kapag sakaling magkita ulit kami?
Siguro hindi naman niya ako namumukhaan? Maraming tao sa university kaya posibleng hindi na niya ako makilala o makita. I kept on overthinking the possible scenarios ng napansing kong malapit na ko sa counter.
Balisa ako ng nakarating ako sa counter.
"Anong nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo." I wish though. Sana nga multo nalang ang nakita ko at hindi tao.
"Akin na yan, tayo na susunod sa pila". Para akong robot na inabot kay Gracie and napkin na binalikan ko.
Wala ako sa sarili habang kumakain kami ni Garcie sa bulaluhan malapit sa apartment.
"Hoy! Kanina ka pa diyan, ano bang nangyari sayo kanina? Masakit ba ulit puso mo?" May pag-aalala na tanong niya sa akin.
Agad akong nagising sa tanong niya. I have a medical history with my heart. Merong butas sa puso ng pinanganak ako na siya ring ikinamatay ng nanay ko.
Hereditary, pero agad naagapan ang akin. Matagal na itong naghilom pero pinayuhan parin ako ng doktor na ingatan ang aking sarili, isa rin ito sa mga dahilan kung bakit mas pinili kong iwanan ang trabaho namin ni Gracie sa isang exclusive bar dahil baka bumalik ang dati kong sakit.
It's been years, at wala na akong nararamdaman na sintomas. Meron akong check-ups pero twice or thrice a year na lamang. Pinagamot ako noon ng tiyuhin at tiyahin ko na siyang nag-alaga sa akin simula ng namatay ang nanay.
![](https://img.wattpad.com/cover/338184567-288-k460965.jpg)
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
RomansaShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.