"Diba po bukas pa darating si Tatay?" Yesh asked as I combed her hair.
"Yes, baby. Why hmmm?" Nakapajama na sila ng kambal at ako na lang ang hindi. Kakain na muna kami bago ako makaligo.
"I am just excited, Nanay. It's been..." She then suddenly started counting her fingers.
"Five! Five days na pong wala si Tatay dito." She giddily smiled at me.
Napatawa naman ako sa ginawa niya. Sandro consistently called everyday. Hinayaan kong kausapin niya ang mga bata habang sasagot na lang ako kapag may tanong siya sa akin, o kaya naman hinahayaan ko nalang ang mga bata sa cellphone ko. Ramdam ko pa rin kasi ang kahihiyan sa katawan ko sa simpleng pagtitig ko sa kanya.
Ang tawag niya lang ata ang inaabangan ng mga bata maghapon. They get excited kapag nagdidilim na dahil malapit ng tumawag si Sandro sa ganoong oras.
Yesh is still ranting how much she misses his Tatay, when suddenly Thiago barged in the room from the sala.
"Nanay meron po si Dr. Salvador." Medyo hingal pa niyang salita.
Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya. Bibisita siya ngayon? Kaagad kaming napatayo ni Yesh at nagpunta sa may sala. Pare-pareho kaming sumilip sa bintana at nandoon nga siya. May hawak pa siyang dalawang paper bag.
Sinabihan ko muna ang dalawa na hintayin na lang kami sa sala. They both behave at lumabas na ako. Kaagad na pumorma ang ngiti sa labi niya ng makita akong palapit na sa kanya.
"Good evening, Sevie!" He smiled at me shyly.
"Good evening too, Doc. Ngayon ka lang ulit nadalaw, ah?" Binuksan ko ang gate para sa kanya.
Tumawa naman siya. "Medyo maraming trabaho at...ayaw na kitang isturbuhin."
We both walk inside. Nakasuot pa siya ng slacks niya at polo. Galing siguro siya sa duty at naisipan lang na dumalaw ngayon. Ilang buwan na rin ng huli niyang dalaw. Matutuwa ang mga bata sigurado.
"Kamusta ang mga bata? Si Yesh?" He asked as we walked inside.
"Thiago is fine. And Yesh is doing well as well. Wala naman siyang nararamdaman na sintomas, Doc."
Binuksan ko ang front door at kaagad na sinalubong siya ng yakap ni Yesh, while Thiago fist bumps him.
"Doc, how are you po? 'Cause I am fine now." Yesh informed him immediately.
Tumawa kami pareho sa sagot niya.
"Kumain ka na, Doc? Mag didinner pa lang kami." Paanyaya ko sa kanya.
"Uhmmm, I brought some dinner. Pwede ba akong sumabay?" Nahihiya niyang tanong.
Nahihiya pa siya dati naman na niya itong ginagawa. I smiled at him reassuringly.
Nakipaglaro muna siya sa mga bata habang hinahanda ko ang lamesa. Alas sais pa lang naman ng gabi at mamayang 7Pm pa ang tawag ni Sandro kung sa kasali.
Tinawag ko na ang mga bata at hinanda na rin ang ulam na dala ni Doc.
We settled ourselves in our seats, nasa kabisera ako habang nasa magkabilaan ko ang kambal. While Doc. Salvador was beside Yesh.
Nagkwekwentuhan pa kami ng bigla siyang magtanong tungkol sa trabaho ko.
"I was there last Monday, pero wala ka na. I asked your friend and she said that you already resigned?" May pagtatakang tanong niya sa akin.
Apat na taon ako doon kaya akala ko rin hindi na ako aalis, pero heto ako ngayon, nag resign na.
Uminom muna ako ng tubig. "Yes, Doc. Gracie and I will start a flower shop business, sa sentro malapit sa simbahan." Masayang imporma ko sa kanya.
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
RomantikShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.