The next day, sobrang saya ng mga bata dahil dito matutulog ngayong gabi si Sandro. Ngayong araw rin magsisimula ang pag construct ng flower shop kaya kailangan kong bumisita mamaya sa site.
I looked at the kids as they played in their bed and as Sandro fixed his clothes on the cabinet. May maliit siyang carry on luggage na dala kanina na naglalaman ng ilang damit niya. Dito siya matutulog sa kwarto ng kambal.
I leaned on the door frame. "Bibisita ako mamaya sa site. Pwede bang maiwan ko muna kayo ng mga bata?"
Nakuha ko ang atensyon niya at tuluyan akong hinarap. "I wanted to see the site too. I want to personally check the equipment and the workers."
Right. He is an engineer. He can, pero iiwan ko ulit ang mga bata kay Tita Lorna?
"Pwede naman pero tatanungin ko muna si Tita Lorna kung pwede kung iwan ang mga bata sa kanya."
Unti-unti siyang tumango sa akin.
"Magbebehave po kami kay Lola Lorna. You can date----" Kaagad na tinakpan ni Thiago ang bibig ni Yesh at maya-maya pa ay may binulong na ito sa kanya. Hanggang sa tinuloy nila ang paglalaro ulit.
Nagkibit balikat na lang ako. "Magbebehave kayo kay Tita Lorna, okay?"
"Yes, Nanay." Sabay nilang sagot.
"Pupuntahan ko na si Tita." Paalam ko.
Kaagad akong pumunta sa bahay nina Tita Lorna at sakto namang nagdidilig lang siya ng mga halaman sa may gate. Kaagad niya akong nakita at ngumiti ito sa akin.
She opened the gate for me.
"Tita, pwede po bang sa inyo na lang muna ang mga bata. Bibisita po kasi kami ngayon sa site ni Sandro."
"Aba, syempre naman. Namimiss ko na rin ang mga bata dito sa bahay." Magiliw nitong saad.
"Saglit lang po kami." Patuloy ko.
"Kahit maghapon pa anak, okay lang."
Napangiti naman ako. Nagkwentuhan pa kami saglit bago magpaalam na bumalik na sa bahay. Maaga pa naman, mag ni-nine pa lang, pero kailangan maligo na muna ang mga bata bago maiwan kay Tita. At kailangan ko ring maligo.
Pumasok na ako sa kwarto nina Yesh. Wala na sila sa higaan nila. Narinig ko ang tawanan nila sa may banyo, nakabukas ang pintuan banyo nila at nakita ko kaagad ang anino nilang tatlo sa loob ng shower room.
"Okay na kay Tita na maiwan ang mga bata." Medyo pasigaw kong sambit. Hanggang sa may pintuan lang ako ng banyo.
Lumabas si Sandro sa shower na naka topless at shorts lamang. Napaawang ang labi ko ng makita ko ang kabuuan ng itsura niya.
His hair is dishevelled and a little bit wet and so is his body. Napababa ako ng tingin. I could clearly see his abs and his muscles. He has thin hair in his chest and his shoulders become broader as well. Mas lumaki ang mga muscles niya sa katawan pero hindi naman nasobrahan.
And I've just realized now, how his body matured so well these last few years. His body looks so rugged and ruthless.
Bago pa mas bumaba ang tingin ko, narinig ko siyang tumikhim. Napatingin ako sa mukha niya, and he is obviously smirking at me. Namula ako at kaagad na tumalikod ng napagtanto ang ginawa kong pagtitig sa katawan niya, at nahuli niya ako!
He just watched me check him out!
Halos patakbo na akong lumabas ng kwarto nila at narinig ko na lamang ang kanyang pag halakhak.
I can feel my goosebumps all over my body, and my face is heating up so bad. Sinara ko ang pintuan ng kwarto at napasandal sa likod nito.
Nakakahiya! Ano na lang ang iisipin niya? I am just appreciating, hindi ako nagnanasa or something!
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
Lãng mạnShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.