Chapter 29

3.2K 104 5
                                    

"Kinausap ka ni Sandro! Anong sinabi niya?" Excited na tanong ni Andrea.

Huminga ako ng malalim, ramdam ko pa rin ang kawalan ng hininga sa nangyarig pag-uusap namin.

Nakaupo sila pareho sa harapan ko kaya kitang kita ko kung gaano sila ka excited sa nangyari. I acted calm and collected, kahit na nawawala na rin ako sa sarili kagaya nila. I looked at their group at medyo malayo naman  sila sa amin.

"Wala, nag alok lang siya na siya na ang magbubuhat ng isa tray natin." Walang gana kong sabi.

"Ang bait naman ni bebe Sandro, sana nauna kana kanina Sevie, para ako nalang kinausap niya." Rica said dreamily.

Agad naman siyang sinko ni Andrea. "Pag ikaw yun, sigurado hindi ka niya bibigyan kahit isang sulyap lang." Natatawang sumbat ni Andrea.

"Whatever, but that was the closest interaction that I've got. And it's enough for me." Rica rebutted.

We were supposed to start eating when suddenly, his group suddenly transferred next to our table. Isa kasing mahabang lamesa ang nasa left side namin, at kasyang kasya sila ng kagrupo niya.

Halos masamid si Rica dahil sa pangyayari. Hindi naman sila sobrang lapit, at nasa isang metro naman ang pagitan namin, pero bakit?

Agad na nagtinginan sina Andrea at Rica, pareho may sikreto sa kanilang mga mata at ngiti. Habang ako halos hindi na ulit makagalaw. Wala pa si Sandro sa table nila at hinihiling ko na lang na sana huwag siyang umupo sa kalinya kong upuan sa table nila.

Maingay ang grupo niya at karamihan ay mga lalake. I can even feel some of their stares at me, lalo na ang mga lalake. Medyo nasa malayong upuan si Gaston pero aksidenteng nagtama ang tingin namin kanina at galit pa rin siya. Mayayaman lahat sila at may itsura, kaya naman kitang kita ko sa mukha nina Andrea ang saya at pagkamangha.

"Bagalan natin mga bebe, eto na ata yung reward ni Lord sa akin dahil nag review ako ngayong exam." Nataawang saad ni Rica. Agad namang tumango si Andrea sa kanya.

We started eating, pero halos hindi ko malasahan ang kinakain kong sinigang na baboy. I can feel the lump on my throat from nervousness, habang ang dalawa ay relax na relax at enjoy na enjoy sa mga nasasaksihan nila ngayon sa kabilang table.

I concentrate on eating when both of them let out a small squick. Sinundan ko ang kanilang tingin at palapit ulit si Sandro sa lamesa namin.

Halos ako naman ang nasamid ng biglang paalisin ni Sandro ang isang kaibigan niya na nakaupo lamang sa kahanay kong upuan. Ang pagitan lang namin ay ang isang metrong daanan ng mga estudyante.

"This is my seat." Walang preno niyang utos.

Malapit lang sila sa amin kaya rinig na rinig namin ang usapan nila.

I don't know if it's his commanding voice, or his aura, but the man sitting on that chair immediately transferred seat, hindi man lang pumalag!

Mas lalo namang na excite ang dalawa sa harapan ko sa nasaksihan. Kung kanina ay para lang silang nanonood ng sine kung makatingin sa kabilang lamesa, ngayong nasa malapit na lang si Sandro ay halos iwasan na nila ang tingin sa kabila.

"Ang hot pala ng boses niya." Bulong iyon ni Rica sa amin pero halos mahiya ako dahil baka marinig niya.

Pinanlakihan siya ng mata ni Andrea. We started eating normally, pero mas mabagal nga silang kumain ngayon, tinotoo nila ang sinabi nila kanina! The other side started eating as well, at sagana sila sa kwentuhan, pero tahimik lamang siya sa kanyang upuan. He can't even laugh or smile at them. He's just sitting there, minding his own business.

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now