"Nasa legal na tayong edad, Sevie. I won't question your decisions. Ang importante sa akin, ang ikabubuti mo at kasiyahan." She genuinely said.
Napalunok ako sa sinabi niya. I can feel my eyes getting watery. Agad ko siyang dinamba ng yakap. I sobbed while she chuckled.
"Kung anong magpapasaya sayo, doon rin ako." She whispered and I've never been this glad that I met her.
We ate breakfast and lunch together. She already packed her things. Ilan na lang ang kinuha niyang gamit dahil bukod sa puro ukay naman karamihan, kinuha na lang niya ang mga matitino.
"We will celebrate later. Inuman tayo, sinabihan ko na si Jaspher. " She excitedly said as I watch her wash the dishes.
"Hindi ka ba papagalitan ni Tita Letty?" Curious kong tanong.
Dati na kaming nag iinuman nina Jaspher. Hindi ako umiinom ng hard drinks at hanggang san mig lang pero madalas namin itong gawin kapag tapos na ang final exams. Tatlo lang kami madalas nina Jaspher.
"Sinabihan pa nga niya ako na sulitin ko na." Anito sabay halakhak.
"Okay." Simpleng sabi ko.
"Nasabihan ko na si Japsher, binigyan ko na siya ng pera. Siya na magdadala ng inumin natin at pulutan."
Tumango lamang ako sa kanya. This is our way of celebrating the finals. The only difference this time is that, ito na ang huling makakasama ko si Gracie. But it's fine, just like what I have said, she needs to concentrate on her happiness this time.
Siya ang mas ate sa aming dalawa, siya ang palaging nag aalala, siya ang palaging nagbibigay, kaya naman oras na rin para alalahanain niya ang sarili niyang kaligayahan.
Sandro will have a celebration this time with his family members. I feel his urge to bring me with him but the last time he talked about introducing me with his family, ended us. I am glad he understood that I am not yet ready to meet his family.
"Uy andyan na si Jaspher." Excited na binuksan ni Gracie ang pintuan namin.
Alas syete na at tamang tama lang para sa inuman. Kumain ako ng dinner pero kaunti lang, per si Gracie hindi na. She reasoned out that baka mabusog siya agad at mawalan ng gana sa pag-inom. She is quite the hard drinker, si Jaspher naman moderate, at ako light drinker. Madali lang akong malasingi.
"Nandito na yung mga pinabili mo." Linapag ni Japsher sa lamesa namin sa kitchen ang mga pinamili niyang alak at pulutan.
Napangiwi ako ng makitang karamihan ng pinamili ni Jaspher ay hard drinks. Ilan ba ang maiinom nila ngayon? Masyado yatang marami at puro mamahalin.
"Don't worry. Tita Letty gave me money." She responded as if she read my mind, tumango lamang ako sa kanya.
I did not text Sandro, baka maistorbo pa siya. He is in with his family right now, dapat lang dahil kailangan niyang bumawi sa pagliban sa sarili niyang birthday celebration.
"CHEERS!"
We toast after preparing everything on our table. Ako lang ang naka san mig habang ang dalawa ay may kanya-kanyang hard liquors. Marami rin kaming pulutan na nakahanda.
"Sevie, dapat itry mo naman ito." Linapag ni Jaspher sa harapan ko ang isang baso ng kaparehas niya.
Agad akong umiling sa kanya. "Ito na na lang ang akin."
"KJ talaga, mamaya ah subukan mo." Alok ulit nito sa akin. Tumango na lamang ako sa kanya.
"Hindi yan, baka pagalitan ni bebe niya." Natatawang saad ni Gracie.
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
RomansaShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.