Chapter 40

3.8K 142 50
                                    

"Nasaan na po ang mga bata?" I asked her as she opened the gate for me. 

"Nandon sa loob iha, nanonood pa ng cartoons kasama Tito Vincente mo." Pumasok ako sa loob at sinara nito ang kanilang gate.

"Kamusta ang trabaho?"

Napatda ako sa tanong niya. Biglang may bumara sa lalamunan ko kaya napatikhim ako. Well, may ibang nangyayari ngayon sa trabaho. Napahugot ako ng malalim na hininga sa tanong niya at saglit na natulala sa kawalan.

"May problema ba sa trabaho?" Concern niyang tanong sa akin. Napansin siguro ang bigla kong pagtahimik.

Nagising ako sa sinabi niya kaya agad akong bumaling sa kanya at ngumiti.

"Wala po, as usual pa rin po." Simpleng sagot ko na lamang.

We walked inside their house. Dito naiiwan ang mga bata kapag may trabaho ako. She insisted on taking care of my twins, wala rin naman daw siyang masyadong ginagawa sa bahay, habang naghahanap-buhay naman ang kanyang asawa bilang isang municipal employee.

But I still gave her some money, nagpilitan pa kami at sa huli ako ay ako pa rin ang nanalo. She is kind and very sweet to the kids, parang mga apo na ang turing niya sa kanila. She only has one daughter who is currently living in Cebu, her family is living their dahil taga doon ang asawa nito. Kaya naman, naging libangan na niya ang kambal.

"Nakaligo na sila at matutulog na lang. Alam mo naman ang kambal, hindi makatulog kapag wala ka." She was laughing as she said it. Hindi ko ring maiwasang ngumiti pabalik.

They can't sleep without me, kaya hanggat maari ay binibilisan ko ang trabaho o kaya naman ay napapaaga ang shift ko para mas makauwi ako ng maaga. Bawal iyon sa trabaho pero pinagbibigyan ako palagi ni sir Winston, o kaya naman ay sinasalu ako ni Maxie. Ginagawa ko naman ang makakaya ko sa trabaho upang maibalik kahit papaano ang paggigigng mabuti nila sa kin.

"Nanay!" Agad akong sinalubong ng yakap ng kambal.

Napaupo ako sa sahig kahit na naka suot pa rin ako ng uniporme para mayakap rin sila pabalik. I can't help but chuckle, nakakawala sila ng pagod.

"Let's go to sleep na hmmm." I caressed both of their faces as they beamed at me.

Nahinto ako ng napagmasdan ko ang kanilang mga mata. Nawala ang ngiti sa labi ko. Those two sets of big dark orbs really remind me of him. Nakakapanghina kapag tinitingnan mo ng matagal. I repeatedly cleared my throat.

"Nanay, are you fine?" Yesh asked me with a concern in her voice.

I looked at her lovingly. "Oo naman."

I shook my head to get off whatever I was thinking. "Go and get your things"

Kaagad naman nilang sumunod sa akin at kinuha ang kanilang gamit sa sofa. Tumingin ako sa mag-asawa na nakaabang sa amin.

"Maraming salamat po ulit." I smiled at them.

"Walang problema kahit araw-araw pa yan, anak." Tito Vicente said as he helped my children gather their things.

"Ihatid ko na kayo." Baling niya sa amin.

Tumango naman ako sa kanya. I carried Yesh while he carried Thiago. Ihahatid niya lang kami sa may gate namin.

We bid our goodbyes again. Kaagad kaming pumasok at nilock kaagad ang front door. I settled both my children in their room. Kailangan na nilang matulog, binuksan ko ang electric fan at inayos ang kurtina. I opened the moon and star shaped lampshades on their sides. They are already five years old at gusto na nilang may sarili silang kwarto. They still both sleep together in this room in a huge bed.

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now