Chapter 4

4.2K 129 4
                                    

"It's nothing. May binalik lang yung tao." I've tried masking my nervousness by rummaging through my bag.

"But he talked to you. This is such a huge deal Sevie, anong pakiramdam na makausap ang isang Sandro Gunner Esquivel?" She looked so curious and dreamy at the same time.

"Wala nga di ba? May binalik lang talaga siya, nawala ko kasi sombrero ko noong Friday. It's just a simple interaction. Tsaka meron akong name tag sa sombrero." Pinakita ko pa sa kanya ang name tag ko na sinulat ko lamang gamit ang ballpen.

Agad niya itong inagaw sa akin at binusisi na para bang meron siyang makikita pa doon na iba.

"Paano mo ba ito nawala? Bakit nag-abala pa siyang magbalik?" Curios niya ulit na tanong sa akin.

Kung sasabihin kong aksidenteng nagkita kami sa labas ng school, baka lalo siyang manghila kung paano niya ako namukhaan o nakilala. Dahil maging ako'y hindi rin alam kung paano niya nalaman na nag-aaral ako dito. 

Imposible namang natandaan na niya ako sa isang beses lang namin na pagkikita sa library. I bet he does not even know my name, not until he saw the name tag written underneath the cap.

Kaya naman sinabi kong nagkaroon lang kami ng kaunting interaksyon sa library, at siguro doon niya nalaman na dito ako nag-aaral.

Bakit ba kasi sobrang big deal sa iba yung makausap man lang ni Sandro? For God's sake, alam ko namang hindi na mauulit ang nangyari kanina. Bakit? Ako lang ba ang nakausap ni Sandro sa buong university?

Ramdam na siguro ni Andrea ang kawalan ko ng interes at pagsasawalang bahala sa sitwasyon.

"And to think na wala ka naman sa circle of friends niya, he talked to you! At ang layo kaya ng building nila sa atin. At may sarili pa silang library! Ano namang ginagawa niya dito kung sakali?"

Tinitigan niya ako na para bang may tinatago pa ako kanyang malaking sikreto.

"Ano ba yan? Akaka ko pa naman mag papaligaw ka na. Akala ko magpaparaya na ako." Madramang sambit nito sa akin sabay lipat sa kanyang upuan.

Agad naman akong napailing sa mga sinabi niya.

I should not involved myself with him, bukod sa imposible naman talaga.  It's like taking the spotlight at pag-uusapan lang ng buong school. I need to keep my profile lowkey. I have to.

I let out a heavy sigh, and stared outside through the window. I just wish na sana yun na iyong huling pag-uusap namin.

Tapos na akong mag lunch ng mapagpasyahan kong pumunta ng library. I spotted my favorite table and thankfully, wala ulit nakaupo.

I roamed my eyes around the library at mas kaunti talaga ang estudyante kapag lunch. Agad kong binaba ang bag ko sa katabing upuan at nilabas ang isa sa mga librong binabasa ko ngayon. I sigh when I realized malapit ko na ulit itong matapos. Should I start looking for another series of books?

I started flipping the pages of my book when I heard a voice in front of me.

"Is this chair available?" Agad kong inangat ang aking tingin sa harapan at halos mapamura ako ng makita ko ang hiniling kong ayaw ko ng makita.

Diba sobrang layo ng library namin sa kanila? What is he even doing here again? Wala pang isang araw and I have to deal with him again. 

Agad kong linibot ang paningin ko sa ibang table. Maraming bakante, bakit dito pa?

Then what should I say? 'Sa ibang table ka na lang, marami pa namang vacant' That is just sound so inappropriate!

Naramdaman ko ang pagbaling niya ng tingin sa mga bakanteng lamesa sa unahan at gitna. And as if he knows what I am thinking, he answered the dilemma in my head.

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now