Umupo nalang muna ako sa sala. Tuwid na tuwid ang pakakaupo ko dahil pakiramdam ko madudumihan ang puting sofa niya. Iinitin ko sana ang rice porridge pero ayaw ko namang galawin ang kitchen niya ng walang pahintulot.
Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pintuan niya kaya agad rin akong napatayo. Naligo pala siya ng mabilisan. Wala pang kinse minutos mula ng pumasok siya sa loob. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ang itsura. He looks so fresh with his grey jogging pants and white t-shirt, at basa pa rin ang buhok nito.
Tumikhim ako at agad siyang napaiwas ng tingin. What now, Sevie?
Right. Iinitin ko pa pala yung dala ko.
"Iinitin ko muna itong rice porridge. Pwede makigamit ng kitchen mo?" Agad siyang tumango sa tanong ko.
Hindi ba niya tatanungin kung bakit ako nandito? Nagtaka kung paano ko nalaman passcode niya? Paano kong ibang tao? O may balak na masama sa kanya? Napailing nalang ako sa naisip. Maybe Gaston told him.
Nauna na siyang naglakad hanggang sa makarating kami sa kitchen.
Humarap siya sa akin. "Here. You can use whatever you want."
Akala ko aalis na siya pero pumunta lang pala siya sa may bar stool.
His voice was not cold. Ang mga mata niya ay may kaunting pagsusungit lamang. Pero ramdam ko ang pananantsa niya sa galaw at salita nito. But this is better, unlike his reactions at the bar, cold and distant.
I nodded at him at sinimulan ko ng humanap ng pwedeng gamitin. Mabuti nalang at medyo sanay na ako sa pang mayaman na gamit dahil narin sa mga dati kong trabaho. Sobrang linis ng kitchen niya at puro pang moderno. Hindi ko alam kung hindi ba siya marunong or talagang malinis lang siya sa gamit.
The air between us is too heavy, I can feel his heavy stares too. Hindi ko yatang kayang tumingin sa gawi niya. Nakaupo siya sa may bandang likod ko. I think it's better, I need to hide my reactions. Tumikhim ako habang hinahalo ang linuluto ko.
"Hindi ka ba magtatanong kung paano ako nakapasok dito." Humarap ako sa kanya ng bahagya.
At tama nga ako, wala na ata siyang ibang ginawa kung hindi titigan ang likod ko. Akala ko iiwas siya ng tingin but he shamelessly stared at me for a few more seconds before answering my question. Lumunok siya ng malalim, I saw his adams apple move.
"Gaston told me last night, but I was not expecting at all that you will really come." Umiwas ulit siya ng tingin.
His voice is already husky pero iba talaga ang dating nito pag umaga.
"What did Gaston told you?" Sasagutin ko sana siya pero kumulo na ang rice porridge. Agad kong pinatay ang apoy at kumuha ng mangkok na pwede kong pagsalinan.
Naglakad ako palapit sa kanya at mas lalo lang atang dumilim ang tingin niya sa akin habang palapit ako. Nangangatog ang binti ko sa tingin niyang malalim.
Linagay ko sa harap niya ang luto ko, nagsalin rin ako ng tubig sa harap niya. Gagawan ko siya dapat ng kape pero hindi ko pa alam kung anong gusto niya. Pero halos mataranta ako ng may mapagtanto.
"Uhmm, kumakain ka ba nito?"
What if allergic siya? O hindi pa siya nakakatikim noon?
Tango lang ang sinagot niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya.
Hindi ko kayang umupo sa harapan niya kaya pinili ko ang pangatlong stool sa right side niya. Kauupo ko palang pero halos mabuwal na ako sa pagkakaupo sa mga sunod niyang sinabi.
"I'll eat whatever you cook or serve, Sevie." He started eating while I looked so shocked. He is really a smooth talker. I feel so giddy inside.
Nasa kalagitnaan siya ng pagkain at gusto ko na siyang tanungin sa research congress. He eat with gusto, baka magambala lang siya. But I need answers now.
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
RomansaShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.