With a heavy heart, Sandro carried my things inside the apartment. Sinalubong kami ni Gracie. Alas sais na ng gabi ng umalis ako sa penthouse niya and we decided that I will be eating my dinner here.
"Ang lungkot-lungkot pala dito kapag wala ka." Gracie continued ranting as she helped us with my things.
"Nandito na ako." Natatawa kong sumbat.
"Nagluto rin ako ng paborito mong ulam. Sandali iinitin ko na." Agad siyang umalis ng kwarto ko at nag punta sa kitchen.
Sandro was just standing in my door frame. Nagsusungit na naman ng mukha. I can't help but smile at his reactions but I kept it inside me.
"May dinner ka pa ngayon with your family diba?" Tanong ko habang sinasalansan ang panghuling kagamitan ko sa maliit kong cabinet.
Humarap ako sa kanya. Tumango lamang siya sa akin.
"Then you should go, baka matraffic ka pa." My voice was laced with concern.
He sighs heavily. He tugged my arms and kissed my knuckles. He is looking at me so gently, tila ba mababasag niya ako. He melted something inside me again with his action.
"Will you be fine here?" Why not Sandro?
"Of course, I'll be fine here." I answered him assuringly.
He nodded after finding no lies with my answer.
He bid his goodbye to Gracie, habang ako naman ang naghatid na sa kanya sa kanyang sasakyan sa may gate namin.
Nagsusungit ang kanyang mukha ng magpaalam na siya sa akin. I laughed at his childlike bargain and attitude as he offer me again to live with him. Well, he can't convince me anymore to live in his penthouse.
Ako na ang nagtulak sa kanya para lang makasakay na siya sa kanyang sasakyan. He drove his car with a heavy feeling. Tinanaw ko ang papalayong sasakyan niya.
My smile immediately faded as I looked his car away from me. Few more minutes of staring out of nowhere, and thinking deeply of our current situation, nagising ako sa malalim na pag iisip ng may biglang may tumawag sa pangalan ko sa likod.
I looked back and was more shocked to see Marie standing a few meters away from me. Siya ang nagiisang anak nina Tiya Valeen at Tiyo Rando.
"Sevie" Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. Anong ginagawa niya dito?
Lumapit siya sa akin at mas lalo akong nagulantang sa itsura niya. She looks so wasted. Nasaan sina Tiya at Tiyo? She is particularly not friendly with me kahit na magkasing edad lang kami. Hindi siya nananakit katulad ng mga magulang niya pero lagi niya akong sinusungitan, o madalas ay kinukuha niya ang mga gamit kong natitipuhan at pati na rin ang perang naiipon ko. She is pretty but being a chain smoker, drug addict, and alcoholic made her look like an aged woman.
"Kailangan ko ng pera." She said plainly.
She talked the same. But her clothing and state made me conclude na may nangyaring iba sa bahay. Wala na siyang kolorete sa mukha at mukhang puyat. She is wearing baggy pants and an old black jacket. Malayo sa itsura niyang maayos dati.
"Nasaan na sina Tiya?" I can feel my voice shaking.
She smirked at me when she sensed my nervousness. Katulad ng dati.
"Nakita ko yun. Jowa mo yun? Naka kotse, mayaman nakuha mo?" Halos matawa siya sa akin.
Mas lalo akong kinabahan ng banggitin niya si Sandro. I cleared my throat to ease my nervousness. Umiwas ang mga mata ko sa kanya at mas lalo siyang natawa. And I know why.
![](https://img.wattpad.com/cover/338184567-288-k460965.jpg)
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
RomantizmShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.