Chapter 28

3.2K 96 4
                                    

Pumasok ako sa school, at sa entrance pa lang, dinig ko na ang usapan ng mga estudyante. I automatically shivered upon hearing it, my knees felt wobbly. They're talking about Cassie Gomez kidnapping, and how Sandro and his family were with her. Mas lalo kung hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa aking bag.

Akala ko matatapos na ang mga naririnig ko ng ito rin ang nabungaran kong balita ni Rica pagpasok ko.

"Oh my God! Sevie, narinig mo na yung balita?" Agad na lumapit sa akin si Rica sa upuan.

Simpleng tango lang ang binigay ko sa kanya. Umupo siya sa harap ko and he started narrating the story. I started taking notes on my reviewer just to distract myself from his stories.

"Sabi na nga ba at sila lang din ni Sandro ang magkakatuluyan, even his parents was with her!" Namamangha niyang kwento. I gripped my ballpen harder.

"At nakakaloka naman talaga yung mga kidnapper na yan, mga animal talaga! Kalat na talaga ang mga masasamang tao ngayon. Hindi man lang nila pinipili ng maayos ang puntirya nila, yun talagang mayayaman!" He ranted more.

I looked at him nervously. Kapag ba nalaman nilang kapamilya ko ang may gawa noon, magbabago ba ang tingin nila sa akin? Lalo na kapag nalaman rin nilang kasabwat rin ang mga ito sa nangyari noon sa lola ni Sandro. Magiging masama rin ba ang tingin nila sa akin? Will they treat me as a friend if they knew my family background? Kung saan ako nanggaling na pamilya?

"Stop it Rica. Sevie is reviewing, at walang hilig si Sevie sa mga ganyang balita. That is probably the reason why you and Andrea are always get the lowest scores, iba ang inaaral niyo." Sumabat sa usapan namin si Matthew.

"Whatever, kala mo naman ikaw ang pinakamatalino dito." Sumbat naman kaagad ni Rica.

They started bickering in front of me, and it was better. I'd rather hear them bicker than to hear the story of Sandro and Cassie.

But Matthew was wrong, hindi nila ako kilala kaya hindi rin nila alam kung gaano ka importante sa akin ang mga nangyayari ngayon. I think my decision to stay lowkey with Sandro was right, dahil kung hindi, malaki ang posibilidad na madungisan ang pangalan niya dahil sa pakikipag relasyon sa isang kagaya ko.

I smiled bitterly at that thought. May mabuti rin palang kahahantungan ng desisyon kung itago ang relasyon namin.

The exam will start at 1PM and will be finished by 5PM. I reviewed, but with all the roller coaster situation of mine, hindi ko alam kung masasagot ko pa ba ng tama ang mga ito. I just hope na sana may natira pa sa mga inaral ko. My scholarship for next school year is based upon my performance this school year. I need to do this, I shouldn't waste it.

Iba ang kalagayan namin sa mga kakalse naming okay lang kahit bumagsak, they have the money and other resources to study, habag kaming mga scholar may isang tsansa lang na patunayan ang mga sarili.

The exam started, and I did my best to answer all of it. It will be a hellish week, but I hope this will distract me from the situation.

I was able to finish all of it. I am unstable, but I was satisfied with my answers. Natapos ang araw na puro reklamo ang narinig ko sa mga kaklase dahil sa hirap ng exams. Agad akong lumabas ng classroom.

I was waiting for a jeepney when I saw Gaston eyeing me from a distance. Nakasandal siya sa kanyang sasakyan, masama ang tingin niya sa akin at mukhang alam ko na kung bakit. Anong ginagawa niya sa gate namin?

"Sevie!" Napatingin ako sa likod at nakita ko si Jaspher na palapit sa akin.

He smiled at me. "Sabay na tayo, tapos ko na rin ang exam ko."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. My smile was halted when I saw someone familiar with Gaston. Si Sandro na kalalabas lang ng passenger seat. Agad kong iniwas ang tingin ko ng maramdaman ang intensidad ng tingin niya sa akin. I can feel his burning stares at me despite our distance. Ngayon, anong ginagawa nila pareho dito?

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now