Chapter 17

3.7K 114 3
                                    

He held the hem of my sando. The next thing I knew, he is ready to undress me. Agad ko siyang naitulak ng maramdaman ko ng kanyang mga daliri sa aking tiyan. Tila ako nabuhusan ng malamig na tubig.

I looked at him widely. Maging siya ay nagulat sa inakto ko, or probably with his aggressiveness as well. I was not scared, and it was a surprise for me. I was actually willing to do something more intimate with him!

Nagulat ako sa sarili kong natuklasan sa sarili. We are still both panting heavily. I've tried composing some words and fixing my thoughts. Kailangan may rational na mag-isip sa aming dalawa pagdating sa ganitong bagay. Kung wala ay baka tuluyan na kaming mawalan ng kontrol sa mga sarili namin.

"I am sorry. Let's not cross the line Sandro." Hingal kong sabi.

He closed his eyes. He still feel so hot. Ramdam ko ang sumisingaw na init ng kanyang katawan. Agad siyang dumapa sa akin. Siniksik ang mukha sa aking leeg na tila naghahanap ng pahinga.

"Sorry not sorry, Sevie." Ngumiti ako sa sinabi niya.

"I know." Hinaplos ko ang kanyang buhok na medyo basa na dahil sa pawis. He still looks so hot with all the sweat. Hindi man lang nagbago ang bango ng kanyang katawan.

Pareho parin kaming humihinga ng malalim, kinakalma ang bawat sarili. Our hearts beating with each other. I felt him kiss the side of my head repeatedly.

"I love you so fucking damn much." He uttered while breathing deeply.

He raised his head and looked at me. He fix my disheveled hair and caressed my cheeks. Nandoon pa rin ang kalasingan sa kanyang mga mata. Kahit moreno siya ay kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mukha pababa sa kanyang dibdib.

"Let me dress you up or do you want to shower?" He asked after a few minutes.

"I want to shower." My skin is all sweaty. Gusto ko ng maligo na lang muna.

"But let us rest first." Tumango ako sa kanya. Pakiramdam ko sobrang pagod ko, para akong tumakbo ng kilo-kilometro.

He nodded. Agad siyang humiwalay sa akin at pumunta sa cabinet kong maliit. I let him rummaged through my closet. Kaunti lang ang gamit ko kaya agad niya ring nakuha ang mga kailangan ko. Linagay niya sa gilid ang mga damit ko at towel.

Agad siyang bumalik sa higaan at hinila ako payakap sa kanya ulit. I surrendered my body to him. Hiniga ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. Dinig ko ang malakas at mabilis na pintig nito. Hinaplos niya ang mahaba kong buhok.

"I should be your boyfriend now. It's driving me crazy, Sevie." He demanded. Napalunok ako ng malalim.

I raised my head to look at him. Well, sasagutin ko rin din naman siya. And I think what we did was beyond the current status of our relationship. Should I prolong the courting? But I can't wait too. I badly wanted to say 'yes' to him.

Kaya naman, unti-unti akong tumango sa kanya. He immediately smiled and kissed me all over my face. His smile reached his pitch black eyes. Napatili at napatawa nalang ako sa reaksiyon niya.

"I'll court you everyday, Sevie." He then held my hand and kissed my knuckles.

Him, kissing my knuckles became a habit of his and I am not complaining at all.

I've never felt this contented before. Ramdam ko ang kaginhawaan sa isipan at puso ko. Hindi ko mapigilang ngumiti. I was showering while he went back to his car to get his extra clothes. Maliligo rin siya pagkatapos ko. Maliit lang ang banyo pero magkakasya naman siguro siya.

Nagpalit na ako ng damit, isang jogging pants at maluwag na t-shirt. Lumabas ako ng banyo at nakita siyang nag-aantay na sa akin. Nakatitig na naman ng malalim.

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now