Chapter 9

3.5K 118 14
                                    

Nasa kama na ako at nakahiga. Alas dos na ng madaling araw at sobra akong napagod ngayong araw pero hindi pa rin ako makatulog. Kararating lang namin ng apartment ni Gracie at kumain muna kami bago matulog. And him, he left the bar with Gaston after few minutes of waiting. 

Bumangon ako. Magpapahangin lang muna ako sa labas. Hindi ako makahinga sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Binuksan ko ang pintuan ng apartment namin at naglakad patungo sa railing. Nasa pangalawang palapag kami ni Gracie. 

Humilig ako sa railing at tiningnan ang kalangitan. Maraming bituin at maliwanag ang buwan. Tahimik na dahil wala na ang nga nag-iinum sa gilid at mga batang nag-lalaro.

Napansin ko ang isang itim na kotse na nakaparada malapit sa gate ng apartment. May poste na malapit kaya kitang-kita ko na mukhang mamahalin. It looks so out of place. I got curious when someone got out of it and I was able to immediately recognized him. 

Gaston. What the hell is he doing here? At this hour?

Napaawang ang mga labi ko ng narealized kong nakatingin rin siya sa akin, na akala mo hinihintay niya lang akong lumabas. Paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Agad akong bumaba at naglakad papuntang main gate.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka kung tanong. Ganoon parin ang kasuotan niya kanina nang makita ko siya sa bar.

He looked so mad at me. Tinaasan niya ako ng kilay.

"I need to talk to you. Get in." Agad siyang pumunta sa driver seat pagkatapos.

"Wait wait! Hindi ako sasama sayo!" Nataranta ako sa biglaang desisyon niya. Kinumpas ko pa ang kamay ko maipakita lang ang disgusto sa gusto niya.

He closed the driver seat after hearing me. 

"Then dito na tayo mag-usap." Muli siyang umupo sa hood ng kotse niya. 

He seemed so determine to talk to me. Naghintay pa talaga siya. Paano na lang kung hindi ako lumabas?

"Ano bang pag-uusapan natin? At gabi na, bakit nandito ka pa?" Iritadong tanong ko sa kanya. 

Pinagkrus ko ang kamay sa aking dibdib. Mabuti nalang at naisipan kong magsuot ng jacket bago lumabas.

He looked at me irritably too. Kahit na nakaupo na siya sa hood ng kotse niyang mamahalin ay halos magkasing tangkad parin kami.

"We need to talk about Sandro. Anong ginawa mo sa kanya?" May galit ang tono niya sa akin.

"Well, alam ko, binasted mo siya diba? Ngayon lang ulit siya naglasing ng sobra at dahil yun sayo! And oh, he even ditched the research congress because of your rejection. Alam mo ba kung paano niya pinaghirapan ng husto ang research niya? He is a genius , but he put effort to his works, at isa yung research na yun ang isa sa mga pinakahihintay niya." Tumawa ito ng mapait.

"That's just bullshit, Sevie. You do not need to say harsh things on him." Nagulat ako sa mga sinabi niya. Sandro did what? And it's because of me? He ditched the congress because of me? Now that's what I call bullshit!

"Oh really? May girlfriend yung tao pero manliligaw sakin. Yung kaibigan mo ang pagsabihan mo! He claimed that he fell hard and fast pero laging may kasamang babae. Now that's bullshit Gaston! Hindi ako tanga at bulag para hindi makita ang mga ginagawa niya." My voice boomed as well, pataasan nalang kami ng galit sa boses.

Namilog ang mga mata niya pagkatapos kung magsalita. Bigla rin siyang napatayo. Now he's towering over me. He looked at me playfully but with a hint of anger.

"Saan mo nakuha yang balitang yan Sevie? I did not know that, palaging kami ni Sandro ang magkasama." May pang-uuyam sa tono niya.

I won't back down. Pareho kasi silang babaero kaya pagtatakpan at pagtatakpan nila ang isa't-isa.

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now