By 6Pm, bumalik ulit ako sa lamesa niya. He is still on his laptop at busy pa rin. Nakahinga ako ng maluwag. I can still feel the tension but this is better. I silently put down his black coffee.
I silently walked out again. Sana ganun na lang siya ka busy palagi para hindi na ako kinakabahan kapag magkakalapit kami.
Bumalik ulit ako sa loob at tumulong, padagsa na ang mga kakain ng dinner kaya medyo marami ng tao. I got busy with everything at muntik ko nang makalimutan ang kay Sandro. Kaagad akong pumunta sa counter at saktong palabas na rin ng kitchen ang dinner nito. Baka pagalitan na naman ako.
"Sevie!" Palabas na ako sa may veranda ng may tumawag sa akin sa likod.
Nakita ko si Doc Salvador na palapit sa akin. He is smiling at me widely.
"Hi!" I greeted him smiling too.
"Dito kami ngayon kakain ng mga kasamahan ko sa trabaho. It is my birthday."
"Oh! Happy birthday Doc!" I playfully sang.
Tumawa siya pero muntik ko ng mabitawan ang tray na hawak ko ng biglang may magsalita sa harapan namin. His voice dominated our conversation. Kapwa kami napalingon sa kanya at nawala ang ngiti sa labi ko.
"My food." He simply ordered. His voice is getting extra cold but his eyes are burning me again.
Napalunok ako ng malalim bago bumaling kay Doc. "Mag..tratrabaho na muna ako Doc." Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil hindi ko mapigilan ang pagkautal.
"Yup, no problem. Sa lamesa na kami." He smiled at me at ngumiti na lamang ako pabalik.
Pero kaagad rin yung nabura ng tumikhim si Sandro ng malakas. Doctor Salvador looked at him and smiled but he was just so snubbed. Hindi man lang niya ito binalingan ng tingin. Bat siya nagpapahiya ng tao?
"See you later, Doc." I interrupted para makaalis na siya. I found the atmosphere almost awkward.
Bumalik na sa lamesa niya si Doc Salvador at kaagad namang umalis ang taong nasa harapan ko. Sinundan ko siya at kay bigat na ng bawat hakbang niya kaya hindi ko alam kung maiirita ba ako o matatakot. He is just so snubbed and masungit.
Snubbed at masungit. I suddenly remember my very little own Thiago, hindi mapigilang umalpas ang ngiti sa labi ko ng pumasok siya sa isipan ko. I just find it adorable when he is the one acting like this, ang sarap sarap niya kasing lambingin at unti-unti ay maglalambing rin siya pabalik. Those are the times I wished that, I do not want them to grow up just yet. Gusto ko---
"Why the fuck are you smiling again?" My thoughts were all gone as I heard him burst out. Tila kanina pa nagpipigil na sigawan ako ng todo.
Nakarating na pala kami sa table niya at nakapameywang na siya sa harapan ko. What did I do again? Bakit galit na naman siya? Ramdam ko na naman ang panginginig ng kalamnan ko.
"Ha?" I asked him curiously. My lips are slightly quivering.
"You said that you do not have a fucking husband but you are flirting with anyone. And you are at fucking work!" He spatted in front of me.
"But he is a friend." I calmly reasoned out.
Mas lalo siyang nairita sa sinagot ko. "Friend my fucking ass." He fired once more.
His curses are not so good with my ears. I hope my little Thiago won't be like this when he grows up. Huminga ako ng malalim.
"He is my daughter's doctor." I reasoned out again.
Doon siya natigil. He suddenly loosened up and avoided my eyes. He went back to his chair at paunti-unti rin naman akong lumapit sa kanya para maihanda na ang dinner niya.
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
RomanceShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.